Sinong ginago mo?


Yey.
Biglang susulpot tapos mawawala na forever. :(


Minsan may mga bagay lang talagang mas mainam itago baka kasi may manggulo - masira na, mawala pa.
Kapag naghahanap ka pa ng mga bagay bukod sa nasa iyo, hindi ka raw makuntento. Kapag humihiling ka pa higit sa binibigay sayo, hindi ka raw makuntento. Paano ba makuntento?
Pano nga ba makuntento? Tao kasi ako, ikaw, tayo. Wala ata sa bukabularyo natin ang salitang makuntento. Siguro kung titingnan sa mababaw na pananaw, mali. Pero kung mas uunawain mo, normal. Normal lang na maghangad ka matapos mong makuha ang isang bagay.
Sa kasamaang-palad, nagkakamali tayo sa pagamit sa pribilehiyong ito. Minsan pinoproblema mo kasi hindi mo makuha yung isang bagay at naisasantabi yung bagay na dati mong pinangarap. Parang tanga diba? Dati halos mag-tumbling ka, makuha mo lang. E ngayon?
Kung pinapahalagahan lang natin lahat ng bagay, walang problema. Walang dahilan para malungkot, laging may dahilan para ngumiti. Mayroon namang natira, mayroon namang nanjan bakit naghahanap ka pa?
Bakit kasi hindi makuntento? Ang tao nga naman.
Hanggang pangarap na lang ba ito? Haha.

Meron ka naman sanang iyo.

Tapos kapag hindi ka naappreciate sasabihin mo gago sya? E ikaw ang gago jan e. Wala syang obligasyong mahalin o pansinin ka. Ang pag-ibig at atensyon, kusa yan hindi pinupwersa. Hindi mo sya pag-aari. Gumising ka nga!