The.Rapist ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 18 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
 photo ce71daba-2af8-4ae1-ac82-81f3b1982cbd_zpsf64f01ad.jpg

 photo 2_zps2fe72696.gif

Fiesta ngayon sa bayan ng San Miguel kung saan ako nakatira. Oo wala kaming fiesta kaya wala kaming handa at oo may parada mamaya at wala akong pakielam. Mauupo ako sa harap ng computer, tititig sa monitor, makikipag holding hands sa mouse at sasalatin ang keyboard maghapon. Ano ba kasing mapapala ko sa parada? Makakakita ng artista na binayaran ni Mayor para iboto namin sya? Mabato ng kendi kahit hindi naman ako kumakain ng kendi? O mabilad sa araw at sumiksik sa gilid ng kalsada at malanghap ang pawis ng katabi mo na hindi na nagawang maligo dahil sa excited sa parada? Ano nga kaya? Parang wala.

Tuesday, April 9, 2013
QUOTA. Haha. Bawal daw publish, print screen na lang. Madalang na ako mauto kasi wala nga akong Anon. Whuut? Haha. 

QUOTA. Haha. Bawal daw publish, print screen na lang. Madalang na ako mauto kasi wala nga akong Anon. Whuut? Haha. 

Tuesday, March 26, 2013

Simula 1st year hanggang 3rd year and hopefully pati next year. Haha. K. Dito ko magaling eh, sariling-sikap. Whuuuut?! Haha.

Sunday, March 24, 2013
Tanging Accounting student na dota boy lang ang makakaunawa sa akin. lol
Sobrang benta nito sakin. Haha. Ako iniwan ko ang pag-dodota para sa course ko tapos PWEDE NAMAN PALANG PAGSABAYIN? Wtf! Haha. Taba ng utak ng nakaisip nito! ;)

Tanging Accounting student na dota boy lang ang makakaunawa sa akin. lol

Sobrang benta nito sakin. Haha. Ako iniwan ko ang pag-dodota para sa course ko tapos PWEDE NAMAN PALANG PAGSABAYIN? Wtf! Haha. Taba ng utak ng nakaisip nito! ;)

Wednesday, February 13, 2013

mahalin-ang-sarili-bago-siya:

okay. kung makita man to ni kuya red. ayy nakakahiya! hehehe :”>

eto po kasi yun. yung mga teachers namin ang hilig magpagawa ng valentine card eh wala naman akong mapagbibigyan. kaya naisip kong siya nalang. una kasi sya sa Tumblr Crushes ko. 

K. lam ko nagmumura ang penmanship ko. sorry pinakamaganda ko na po yan. hahaha panget po ksi tlga ko magsulat. sana pag nakita man niya to, maintindihan niya. 

HAPPY VALENTINES pala. lalo na sa knya :) 

AYY GRABE SOBRA TOOOOOO! :)) SA TINAGAL TAGAL KO DITO SA TUMBLR, ISA TO SA MGA TALAGANG NAAPPRECIATE KO!! ASTIG. YUNG NAALALA AKO KAHIT NA SA TUMBLR LANG NYA KO KILALA, OWSHIT! :)))))))

MARAMING MARAMING SALAMAT. SOBRANG NAPASAYA AKO NITO. :)

Thursday, January 31, 2013

Yan sa FB. Kung hindi teacher ko, nanay ko ang pumapansin sakin. Haha.

Wednesday, January 30, 2013

Unexpected Win

*Di to yabang, talagang di lang namin inasahan*

Ayun nga. Ang dahilan kung bakit naging inactive ako ng halos isang linggo ay dahil dun sa contest na yun ng mga BSA students. ;)

Dami kasing sablay nung performance. Technical blah blah. Kaya sabi ko sana kahit 3rd man lang. Tapos ayun, champion pa ang lintek. Kapoge.

Post ko dito video kapag kwan. Makihanap na lang ako. lol.

PS: Salamat sa mga followers na nanatili sa kabila ng pagiging inactive ko. Back to blogging na mga ser. :*

Sunday, January 6, 2013

TNYMU2013

(Last na to para sa MU, kaya habaan naaaaaaaaaa. Haha)

Kauna-unahan kong MU na napuntahan, yun talagang legal at may ID. Haha. lol. Legal? Teka nga eh takas nga pala ako. Cutting e. Hahahahaha. Wala akong pinagsisisihan na umattend ako kahit na kinaylangan kong magbyahe ng walang alam kung saan pupunta at sino makakasama. Haha.

Pinagsisisihan? Meron pala. Yung buhok ko, yung damit ko at yung pagmumukha ko. Haha. De letse. Sa susunod na MU okay na ko. Pramis. Sorry naaaaaaaaaaa.

Sa meet up? Ayun di ko naman masasabi na PINAKAMASAYA, kasi ngayon lang din naman ako nakaattend. Haha. Pero masaya talaga. Kahit na walang activities masyado, solb naman sa pictures at usap. Dami kong nakita na matagal ko ng kakilala. Haha. Masyadong marami para isa-isahin. Yieeh. :)

Sa susunod talaga, pupunta ulit ako. Sana lang sa MOA o kaya dun na lang ulit. Haha. Kapag kasi ATC, patay non.

Basta salamat sa lahat ng nakasama at naka shake hands. Saka sa nagta-tag kahit na mukha akong tanga sa mga picture. Sabi naman kasing di ako marunong ngumiti. Haha. Pati sa mga kasama ko simula umpisa at sa mga bagong tropa. Yow!

PS: Salamat at congrats sa organizers! :) Pati sa may ari nung mga pinagsasama kong pictures. Ninakaw ko lang e. Haha. :*

Friday, January 4, 2013

GWAPONGRED

(Hindi ito DB. Haha. Alangan namang idescribe ko ang sarili ko, ano to autograph? Haha)

GWAPONGRED = GWAPO + RED

 

GWAPO. Self-proclaimed gwapo. Bakit gwapo? Naggwapuhan ba ako sa sarili ko? O sadyang makapal lang ang mukha ko. Well, ganito kasi yan. Ginawa ko tong blog na to July 2010 pa. 1st year college ako non at wala pa kaming PC sa bahay non. Tandang tanda ko pa na nasa library ako ng school namin ng ginawa ko tong account na to. Wala pang ilang minuto dapat mag-isip na ako ng URL para may malagay ako. Kaya yun, eto na lang. Akala ko naman kasi wala namang masyadong makakaalam. Tas parang katuwaan lang. HINDI AKO MAYABANG, hindi naman ako kagwapuhan gaya ng ibang tinitilian jan. Alam ko naman yon. Sadyang kahit mga classmate ko, sanay na sila na GWAPONGRED. Kaya sobrang hirap na magpalit ng URL. 

RED. Sobrang hilig ko sa pula. Simula high school, RED na ang associated na kulay sakin. Alam yun lahat pati ng mga classmates, barkada, ka-clan pati mga kamag-anak ko. Kaya hindi na rin ako nagulat na tinatawag akong RED at ayun hanggang sa Tumblr RED na. Sanay na rin akong yun ang nickname. Pero sa school, madalang ang tumatawag sakin ng ganyan, madalas ROJ, RODGE o ROG di ko lam kung paano spelling basta ganyan kasi nga masyadong awkward yung ROGIENEL. lol

Bakit ko to ginawa? Ayoko lang kasing isipin na hindi ko man lang pinagtanggol yung sarili at yung blog ko sa mga taong nakita pa lang yung URL ko, hinuhusgahan na ako. Sinisikap kong ayusin lahat ng blog posts ko at huwag makapanakit ng ibang tao. Ayokong manghusga kaya sana, baka naman pwede, ako rin huwag husgahan. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon sana hindi na lang ganito URL ko. Inisip ko na rin magpalit ng URL o magdeact. Pero ako to, AKO SI GWAPONGRED. Ke gwapo KUNO o gwapong unggo, wala akong pake, basta ako magbblog. 

PS: Wala naman akong hater, sa ngayon. Gusto ko lang na malaman niyo na hindi madaling magkaroon ng URL na GWAPONGRED. lol

Friday, December 28, 2012

Anong problema ng mga kaibigan ko?

Marami na rin akong kaibigan dito. Isang taon na ba naman akong active e. Pero napapansin ko lang, HINDI SILA NAGLA-LIKE ng posts ko. Hala? Seryoso nga. Di ko alam kung ano mga trip nila. Haha. Talagang yung mga close ko pa. Mga gago to! Hahahahahaha.

Unfollowan naaaaaaaaaaaaaaaaa! Haha.

Thursday, December 27, 2012

Wala naman sigurong masamang mag unfollow lalo na kung hindi mo talaga nagustuhan yung posts. Minsan kasi hindi na tama yung mga post nung iba. Kahit naman kaibigan mo sila, siguro naman okay lang na mag unfollow tas mag follow na lang ulit kapag okay na. 

Yun kasing mga pinopost malakas mangpahamak. Kapag nakita yung sa Dash ko at pinatigil ako sa Tumblr, papatay ako. Pota.

Sunday, December 23, 2012

Tumblr.

It’s been a year.

1 year na akong active sa Tumblr. Magpapasko non ng napagpasyahan kong iwan ang DOTA at mag focus sa Tumblr. Sa loob ng isang taon, NAPAKADAMI NG NANGYARI. Madaming tao ang dumating, nawala, naglaho ng parang bula at yung iba eto parte ng BUHAY ko.

Kagabi ko pa pinag-iisipan pano ko idedeliver tong Anniversary post ko. lol. Pero magulo pa kasi kahapon at gaya ng lahat ng problema, nilutas ko yung mag-isa. Kaya eto okay na, eto na yung post.

Mali na banggitin ko pa isa-isa yung mga blogger na nakasalubong ko sa paglalakbay ko sa Tumblr. Yung mga unang blogger na nakipag usap sakin, tandang tanda ko pa at syempre etong mga parte ng buhay ko ngayon, nakakamangha.

Marami na rin akong natutunan sa Tumblr. Bukod sa blogging, sa tunay na buhay marami na akong alam. Nasaktan din kasi ako. Siguro yun ang GO SIGNAL nun na kapag masakit, totoo at siguradong matututo ka. :)

Marami-rami rin akong pinagsisisihan. Pangit man sabihin na SANA HINDI NA LANG. SANA HINDI KO NA LANG NAKILALA yung mga ganon. Pero yun ang nagturo sakin e. Yun ang dahilan kung bakit ganito na ako makitungo sa mga bloggers, hard at malayo ang loob. Dapat pa ba akong magsisi?

Pero sabi nga nila count your blessings. :)

At isa sa maituturing kong blessing mula sa TUMBLR ay SIYA. 7 months. Eksaktong pitong buwan mula nung naging kami. Tatlong beses na nagkatampuhan at ni minsan hindi nag-away, ano bang hahanapin ko? :))

Sayang at hindi ako makaka-attend ng TYEMU. Sarap sanang pang anniv yun, pero sabi nga MAY NEXT TIME pa :)

KEEP BLOGGING. TUMBLR IS ♥

Monday, December 17, 2012

BABY BLUE EYES 

(Huwag mong panourin kung singer ka, K?)

Eto yun ilan sa aking mga butihang kabarkada. 12 kami eh. 6 na lalaki at 6 na babae pero sa puntong ito, lima lang kaming magsasabog ng lagim.

Kuha ito bago kami pumunta ng Christmas Party nung sabado. Haha. Late na kami pero wala, nag enjoy sa pagkanta. Trip lang naman to kasi may dalang gitara si Vincent. Tapos ayon na nga, nauwi sa cover na mas maganda pa ang plastic cover o kaya wala na lang cover . -_-

DANCER KAMI. Oo dancer kami lahat (kaya ko naman patunayan na marunong naman magsisayaw yan) kaya makatarungan lang na hindi maganda boses namin at mali-mali ang lyrics pati tono, LALO NA NUNG NAGVI-VIDEO. Haha.

PS: Walang practice-practice to kaya nga na-LSS pa ako nung nakita ko tong video kasi may mga second voice pa. Haha. Lupeeeeeeeeet! Lakas maka 1D. Haha. :-)

(This video is unlisted. Ayaw ata nilang kumalat sa Facebook pero eto, kinalat ko sa Tumblr. Yey! :)

Saturday, December 8, 2012

Ang nakaraan…

Minsan naiisip ko, ako lang ba talaga ang nagpapahalaga sa mga nakaraan ko o sadyang di ko lang alam na naaalala rin pala ako ng mga taong nagdaan sa buhay ko?

Dumarating kasi ako sa punto, lalo na kapag mag-isa ako, na bumabalik lahat sa isip ko yung mga piraso ng nakaraan, yung tao, yung pakiramdam at yung mga nangyari. Hindi ko naman masabing hindi pa ako nakakamove on o parang nanghahawak pa na balang-araw babalik ang nakaraan kasi kapag naaalala ko yun, napapangiti ako. Natutuwa ako na minsan silang naging bahagi ng buhay ko. Siguro nga may kasalanan din ako dun sa iba kaya natapos kami o kaya sadyang dala ng tadhana na maghiwalay kami ng landas.

Hindi ko gusto na bumalik lahat ng taong nawala sa buhay ko. Matagal ko na rin namang natanggap ang konsepto ng pag-ibig at pagkakaibigan. Talagang may mawawala at may papalit, cycle yan. Siguro umaasa na lang akong kapag naaalala nila ako, masaya rin sila at masasabing “Miss ko na yung gago na yon”. 

Magpasalamat tayo sa nakaraan dahil sila ang bumuo ng ating kasalukuyan. Nasaktan ka at nahipan ka man bumitaw, eto ka na ngayon, okay ka na at masaya, YUNG ANG MAHALAGA. Hindi mo kaylangang ipunin lahat ng tao sa kamay mo. Hayaan mo silang dumaan sa buhay mo at mananatili sila kung gusto nila, ganyan ang buhay. 

Thursday, December 6, 2012

Mahal ko blog ko.

Kung tutuusin sino pa ba ang kauna-unahang magmamahal sa blog ko, kung hindi ako rin naman. Kaya siguro iniingatan ko kada post ko. Ayoko kasi na pagsisihan ko mga pinopost ko balang-araw. Ayoko rin hanggang maari na maging daan ang blog ko para makasakit ng tao. Gusto ko lang na kapag wala na talaga akong panahon mag-Tumblr at may nag backread sa blog ko, mapapasaya ko pa rin sila.

Alam ko na darating yung araw na hindi na ako kasing active gaya ng dati at mas inactive kaysa ngayon. Sana pagdating nun, okay na lahat ng relasyon ko sa mga blogger at nasa maayos na kondisyon ang blog ko. :-)

 
1 of 5
Next page