Forgetting is part of moving on.
Isa sa paraan para tuluyan kang maka move on ay yung matutong kang magpatawad. Kalimutan ang mga pangyayari at magpatuloy sa buhay. Walang mangyayari kung manghahawak ka sa nakaraan at pupunuin mo ng galit ang puso mo.
Leave your heart empty for the next one to fill in.
Stop complaining. Start appreciating.
May mga bagay talaga na mas mainam na tanggapin na lang kaysa piliting baguhin pa ito. Hindi lahat kasi dapat binabago, yung iba dapat matapang mo lang na tatanggapin na kahit anong gawin mo, yun na yon.
Walang magagawa ang reklamo. Tanggapin mo na lang kung wala ka ng magagawa.
Fight for yourself.
Minsan wala ka namang magagawa kung hindi ang tumayo sa sarili mong mga paa at lumaban para sayo, mahirap man pero dapat mong kayanin. Huwag mong isiping mas malaki ang problema mo kaysa sayo. Imposible yun.
Tandaan mo, walang nanganak na mas malaki pa sa kanya ang isinilang nya.
Honesty in a relationship, is still the best policy.
Kahit anong relasyon na may halong magsisinungaling at panloloko ay mauuwi sa wala. Mas mainam na maging tapat at makita kung handa kang tanggapin kaysa maglokohan nang maglokohan.
Kung gusto mong tunay na karelasyon, umpisahan mo sa sarili mo. Mapa-kaibigan, magulang, classmate o syota pa yan, kapag tapat ka, magiging tapat din sila sayo. Kung hindi man, kasalanan na nila yon. Ang mahalaga, ikaw sa sarili mo totoo.
They never left. Their roles just change.
Di ka naman talaga tuwirang iniwan ng mga dati mong kaibigan. Sadyang nagbago na lang sila kaya akala mo ganon. Nanjan pa rin naman sila para sayo. Sadyang hindi lang kasing dalas ng dati.Ganon talaga. Kung hindi mo man sila laging nakakasama ngayon, sigurado namang may dumating o darating para samahan ka. ;-)
Huwag mong pangarapin na magustuhan ka ng lahat.
Isang malaking kalokohan na asamin mong magustuhan ka ng lahat ng tao sa paligid mo. Kahit ano kasing gawin mo, mayroong hindi makakasakay sa trip mo. Kahit puro pa kabutihan ang gawin mo, magkakaroon pa rin sila ng pinakasimple at walang katuturan na dahilan para kamuhian ka kung yun ang gusto nila.Huwag kang matakot na kamuhian o ayawan ng iba. Hanggang mayroong nagmamahal sayo dahil sa kabutihan mo, mas mainam ka pa rin sa kanila na walang ibang ginawa kung hindi manghusga.
Madalas kasi tayong umiyak sa maling tao.
Makulit ka lang kasi talaga minsan. Alam mo naman kasing wala kang mapapala at masasaktan ka lang sa huli, pinasok mo pa. Tapos kapag nasasaktan ka na isisisi mo sa iba? Mali yon. Ikaw ang unang responsable sa nararamdaman at mararamdaman mo.Kaylangan mo lang maging matatag para ipaglaban mo ang sarili mo. Huwag kang pumayag na inaapi ng iba, anak ka rin ng Diyos, tandaan mo.
Kahit sabihin mong hindi masakit, kung masakit, talagang masakit.
Huwag mong lokohin ang sarili mo na okay ang lahat at wala kang pinagdadaanan. Lalo ka lang masasaktan kasi sa huli mas masakit kapag inakala nyang okay ka kaya wala lalo syang pakielam.Tumayo ka para sa sarili mo. Huwag mong hayaang matalo ka ng hindi man lang lumalaban. Kung hindi ikaw ang gagawa, sino?
Don’t judge the book by its cover.
Palasak man ito, siguradong tatama ito sa lahat. Madalas tayong nanghuhusga base sa una nating nakikita. Nagagalit kahit inuna lang ang panghuhusga at ni hindi nakilala yung tao.Lahat ng tao ay may karapatang patunayan kung ano at sino ba sya. Hindi dapat mangibabaw ang panghuhusga. Minsan kasi kung sino pa yung mukhang matino, sila pa tong gago.
New beginnings.
Umpisahan ang taon na may bagong pag-asa, bagong puso at bagong pagkatao. Alisin na ang mga pangit na ugali. Matutong magbago para sa ikabubuti ng mas nakararami.Bawat pagtatapos ay may bagong simula. Bawat taong umalis, may taong darating para pumalit.
Everything happens for a reason.
May dahilan ang lahat ng pangyayari sa buhay mo, dapat mo lang alamin at tanggapin ito. Maaring maging masakit sa una pero ang mahalaga naunawaan mo na para rin sayo to.Sa nagdaang taon ng iyong buhay, lagi mong tatandaan na lahat ng nangyari, pangit man o maganda, ay malinaw na kahulugan sa hinaharap. Keep moving. Enjoy life. Embrace surprises.
Fight for yourself.
Kaylangan mo talagang tumayo sa sarili mong paa at lumaban para sa sarili mong kapakanan. Kahit kasi sabihin mong may mga taong nanjan para sayo, suporta lang ang maibibigay nila, nasayo pa rin kung lalaban ka.
Ipaglaban mo yung mga bagay na gusto mong makuha, yung mga bagay na sa tingin mo ay para sayo ay hindi mo dapat hayaang mapalayo sayo dahil lang sa takot na matalo ka. Una pa lang talo ka na kapag hindi ka sumubok.
Friendship knows no age, gender or class.
![]()
Ang pagkakaibigan, gaya ng pag-ibig ay walang pinipiling katangian. Kusa itong mararamdaman kahit sa mga tao pang hindi mo inaasahan. Kaylangan mo lang maging totoo para makita mo kung sinong handang maging totoo sayo.
Ang tunay na kaibigan ay kayamanan. Pero hindi gaya ng kayamanan, ang kaibigan darating ng hindi mo inaasahan.
Be honest. Be true. Be real.
Masakit man ang katotohanan, mas mainam ito kaysa kiligin ka sa kasinungaling. Ang katotohanan, sa una lang masakit. Kapag tumagal, unti-unti mong mauunawaan na nailigtas ka ng pagsasabi mo ng tapat sa mas malaking sakit at kasalanan.Kung gusto mong magtiwala sayo ang tao, huwag kang manggago. Sa kahit anong relasyon, mas mainam na yung masaktan sa katotohanan kaysa umasa sa kasinungalingan.
Some people just don’t deserve any of your efforts.
Kung hindi ka nila kayang pahalagahan gaya ng ginagawa mo, sa palagay mo deserving sila sa pagmamahal mo? Ikaw tong laging nag-iingat, nagpapahalaga at nag-aalala tapos sila NGANGA?Mas mahalin mo sarili mo. Wag kang uto-uto. Hindi porket mahal mo ibibigay mo lahat ng gusto. Wag kang gago.