The.Rapist ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 18 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
 photo ce71daba-2af8-4ae1-ac82-81f3b1982cbd_zpsf64f01ad.jpg

 photo 3rd_zpsca2fe226.gif
Normal ang tampuhan at away sa pagitan ng magkaibigan at magkarelasyon. Hindi maiiwasang may hindi kayo pagkasunduan kasi hindi naman kayo iisang tao. 
Kaya ito ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag magkaaway kayo ng kaibigan/syota mo:
Kumalma muna. Kapag mainit pa kayo parehas, relax muna. Mali kasi na pilitin nyong maayos kagad lalo na’t pareho pa kayong may ipinaglalaban.
Huwag magsasalita ng masasakit. Gaya ng pagmumura o ano pa man. Tumatatak kasi sa utak yan. Para yang sugat na nagpapasa o nagpepeklat na matagal o imposible ng mawala.
Huwag mo syang ikumpara.  Sa mga iba mong kaibigan o sa mga EX mo. Mali yun, maling-mali. Iba sya sa kanila kaya huwag mong hanapin yung ugali nila sa kanya. Nakakapanliit at nakakababa ng pagkatao yun masabihin ka na, “Bakit sya ganon?” “Buti pa saya ganito”. Tangines yan.
Makinig ka. Kung kaylangan ng eksplanasyon sa problema lalo na’t malabo pa rin, mabuting makinig ka para pakinggan ka rin nya. Mahinahon nyong ipaliwanag yung sides nyo para maiwasang mapag-awayan ulit yung iisang problema na yon.
Huwag magsasakitan. Di mo sya dapat saktan. Kahit na mag-syota kayo, hindi mo sya pag-aari. Baka yung mga magulang nya mismo hindi sya sinasaktan tapos ikaw ganon na lang kung saktan mo sya, sino ka?
Ibaba ang pride at mag-sorry. Kahit ikaw man o hindi ang may kasalanan, dapat mag sorry ka lalo na kung mayroon ka rin namang nagawa. Patunay kasi yan na mas mahalaga SIYA sayo kaysa sa pride mo. Ok?
Huwag kang gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa huli. Tandaan mo, ang tao maaari kang patawarin nyan ng isa o dalawa o higit pang beses pero yung mga ginawa mo at gagawin mo, maaaring hindi na nya makalimutan pa.

Normal ang tampuhan at away sa pagitan ng magkaibigan at magkarelasyon. Hindi maiiwasang may hindi kayo pagkasunduan kasi hindi naman kayo iisang tao. 

Kaya ito ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag magkaaway kayo ng kaibigan/syota mo:

  1. Kumalma muna. Kapag mainit pa kayo parehas, relax muna. Mali kasi na pilitin nyong maayos kagad lalo na’t pareho pa kayong may ipinaglalaban.
  2. Huwag magsasalita ng masasakit. Gaya ng pagmumura o ano pa man. Tumatatak kasi sa utak yan. Para yang sugat na nagpapasa o nagpepeklat na matagal o imposible ng mawala.
  3. Huwag mo syang ikumpara.  Sa mga iba mong kaibigan o sa mga EX mo. Mali yun, maling-mali. Iba sya sa kanila kaya huwag mong hanapin yung ugali nila sa kanya. Nakakapanliit at nakakababa ng pagkatao yun masabihin ka na, “Bakit sya ganon?” “Buti pa saya ganito”. Tangines yan.
  4. Makinig ka. Kung kaylangan ng eksplanasyon sa problema lalo na’t malabo pa rin, mabuting makinig ka para pakinggan ka rin nya. Mahinahon nyong ipaliwanag yung sides nyo para maiwasang mapag-awayan ulit yung iisang problema na yon.
  5. Huwag magsasakitan. Di mo sya dapat saktan. Kahit na mag-syota kayo, hindi mo sya pag-aari. Baka yung mga magulang nya mismo hindi sya sinasaktan tapos ikaw ganon na lang kung saktan mo sya, sino ka?
  6. Ibaba ang pride at mag-sorry. Kahit ikaw man o hindi ang may kasalanan, dapat mag sorry ka lalo na kung mayroon ka rin namang nagawa. Patunay kasi yan na mas mahalaga SIYA sayo kaysa sa pride mo. Ok?

Huwag kang gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa huli. Tandaan mo, ang tao maaari kang patawarin nyan ng isa o dalawa o higit pang beses pero yung mga ginawa mo at gagawin mo, maaaring hindi na nya makalimutan pa.

Thursday, May 16, 2013

Walang masamang maging friendly

Kung tutuusin nga dapat talaga sa blogger, maging friendly. Makitungo ng maayos sa followers nya. Makipag-usap ng maayos at umiwas sa away.

Pero syempre lahat, may hangganan, lahat may limitasyon at di pwedeng parang Globe na “Go lang ng Go!”

  • Di mo obligasyong kaibiganin lahat. At di mo rin kaylangang gawin yun. 
  • Wag ka nang makipagkaibigan kung mang-iiwan ka rin naman.
  • Ang pakikipagkaibigan, di yan synonymous sa pakikipaglandian. Umayos ka.
  • Magkaibigan lang kayo, huwag kang umastang jowa o syota. 
  • Huwag masyadong sweet, baka umasa syang mahal mo sya, di naman pala.
  • Wag masyadong friendly, mag blog ka rin.
  • Iiyak ka kapag na friendzoned, eh kasalanan mo naman pala. Wag ka na makipag kaibigan kung syota talaga kagad gusto mo.
  • Kung may syota ka na, matuto kang dumistansya. Huwag mo syang bigyan ng dahilan para magselos.
  • Di mo kaylangang i-publish lagi ang usapan nyo sa Dashboard. Sa Twitter na lang kayo.
  • Isa-isa lang dapat ang best friend lalo na kung ikaw mismo seloso/a.
  • Huwag kang manggamit. Kung para lang sa follow back o notes, mahiya ka naman koya/teh.
  • Di porket kaibigan mo, di na pwedeng i-unfollow. Sige lang. Karapatan mo yun.
  • Huwag kang plastik. Maaawa ka sa sarili mo. Di na pwede plastik sa ibang lugar sa Pinas.
  • Kung kaibigan ka lang, huwag mong angkinin. Timawa lang? Haha. De joke.
  • Hindi basehan ng pagkakaibigan ang pag-uusap ng mga sikreto nyo at pagchichismis sa ibang tao. Pangit tingnan lalo na kung parehas pa kayong lalaki. Ew.
  • Mas mahalaga man ang friends sa followers, nasa Tumblr ka, wala sa facebook.

Love your friends. Love your followers. Love your blog. LOVE TUMBLR. :)

Wednesday, May 15, 2013

Kaibigan ba yon?

  • Yung pinagpalit ka sa bagong kaibigan?
  • Yung pinagpalit ka sa lovelife?
  • Yung mas inuna yung pride nya?
  • Yung mas pinahalagahan yung notes at kasikatan?
  • O yung naalala ka lang kapag may kaylangan?

Nagkaroon ka ba talaga ng kaibigan sa kanyang katauhan? Eh hindi ka naman pinahalagahan at nagawa ka ngang iwan kahit walang dahilan. Kaibigan o kalokohan?

Friday, May 10, 2013
Hindi lang magsyota ang naghihiwalay, madalas magkaibigan din. Natatapos ang kanilang titulo bilang magkaibigan sa iba’t-ibang dahilan
Naging best friends. Hindi lang basta simpleng kaibigan, best friend na. Mas malalim na ang pinagsamahan at hindi na pangkaraniwang magkaibigan.
Naging lovers. Nagka-inlovean ang dating magkaibigan. Konting ligawan at nagkasagutan. Hindi na sila friends, boyfriend-girlfriend na.
Naging strangers. Bigla na lang nagkalimutan kahit walang dahilan. Parang hindi magkakilala at nabura ang pinagsamahan. Naghiwalay ng landas at kahit kaylang hindi na muli magkukrus.
Naging follower lang. Dating magkaibigan ngayon, simpleng followers na lang. Wala na ang dating usapan at harutan. Ngayon simpleng LIKE na lang, ni reply at reblog wala. Saklap.
Naging enemies. At syempre naging magkaaway. Maaaring may hindi napagkaunawaan o napagkasunduan kaya hindi na sila magkaibigan. Ang dating magkaibigan, ngayo’y mortal na magkaaway.
Masakit mawalan ng kaibigan lalo na alam mong hindi na sya babalik. Yung kahit anong gawin mo wala na yung simpleng title nyong FRIENDS.

Hindi lang magsyota ang naghihiwalay, madalas magkaibigan din. Natatapos ang kanilang titulo bilang magkaibigan sa iba’t-ibang dahilan

  • Naging best friends. Hindi lang basta simpleng kaibigan, best friend na. Mas malalim na ang pinagsamahan at hindi na pangkaraniwang magkaibigan.
  • Naging lovers. Nagka-inlovean ang dating magkaibigan. Konting ligawan at nagkasagutan. Hindi na sila friends, boyfriend-girlfriend na.
  • Naging strangers. Bigla na lang nagkalimutan kahit walang dahilan. Parang hindi magkakilala at nabura ang pinagsamahan. Naghiwalay ng landas at kahit kaylang hindi na muli magkukrus.
  • Naging follower lang. Dating magkaibigan ngayon, simpleng followers na lang. Wala na ang dating usapan at harutan. Ngayon simpleng LIKE na lang, ni reply at reblog wala. Saklap.
  • Naging enemies. At syempre naging magkaaway. Maaaring may hindi napagkaunawaan o napagkasunduan kaya hindi na sila magkaibigan. Ang dating magkaibigan, ngayo’y mortal na magkaaway.

Masakit mawalan ng kaibigan lalo na alam mong hindi na sya babalik. Yung kahit anong gawin mo wala na yung simpleng title nyong FRIENDS.

Wednesday, May 8, 2013
Uso sa Tumblr yung magkakaibigan na bigla na lang di nagkakausap. Yung para bang nagkailangan kahit wala namang may kasalanan. At yung tipong habang tumatagal lalong lumalaki ang GAP sa pagitan nilang dalawa.
Mga dahilan kung bakit bigla na lang hindi nagkakausap
Busy na. Marahil iba na ang pinagkakaabalahan o kaya hindi na nagta-Tumblr. Wala ring load o kaya di na magawang makapagtext.
Nagkakahiyaan. Di alam kung sino ang unang lalapit. 
Nagpapataasan ng pride. Matapos ng away, pahirapan kung sino ang unang kakausap. O kaya kapag nag-aaway, nagpapatigasan hanggang sa hindi na mag-usap.
Nagpapa-miss. Sadyang nagpapa-miss lang. Gusto lang na maalala sya o kaya hanap-hanapin sya at nag-iintay lang na kausapin sya.
Nagkakailangan. Akala pinaparinggan sya o kaya akala magkaaway sila o mas malala kung umamin yung isa na may gusto sa isa, nagkakakailangan tapos hindi na mag-uusap.
Nagbago na. Maaring nagbago na ang ugali at ayaw na nyang lumapit pa dito. Naging mayabang o sobrang landi kaya mas mabuting iwasan.
Pinagpalit. May mga bago ng friends kaya hindi na makausap. Focus sa mga bagong kaibigan at kinalimutan ang naunang kaibigan.
Wala lang. Di lang talaga nila gustong mag-usap. Walang pag-uusapan o di interesadong makipag-usap.
Nagkalimutan. Bigla na lang nakalimot. Daig pa ang na-amnesia at lahat ng pinagsamahan ay binaon sa limot.
Nagka-lovelife. Nang magka syota yung isa, di na nagkausap. Maaring sobrang busy nung isa o kaya takot mapagselosan kaya umiwas yung isa.
Masakit kapag bigla ka na lang iniwasan ng kaibigan mo. O kaya bigla na lang kayong hindi nagkausap kahit wala namang dahilan. Di mo alam kung magsosorry ka ba, iiwasan mo rin ba sya o kakausapin mo at tatanungin, “Bakit di na tayo nag-uusap?”.

Uso sa Tumblr yung magkakaibigan na bigla na lang di nagkakausap. Yung para bang nagkailangan kahit wala namang may kasalanan. At yung tipong habang tumatagal lalong lumalaki ang GAP sa pagitan nilang dalawa.

Mga dahilan kung bakit bigla na lang hindi nagkakausap

  1. Busy na. Marahil iba na ang pinagkakaabalahan o kaya hindi na nagta-Tumblr. Wala ring load o kaya di na magawang makapagtext.
  2. Nagkakahiyaan. Di alam kung sino ang unang lalapit. 
  3. Nagpapataasan ng pride. Matapos ng away, pahirapan kung sino ang unang kakausap. O kaya kapag nag-aaway, nagpapatigasan hanggang sa hindi na mag-usap.
  4. Nagpapa-miss. Sadyang nagpapa-miss lang. Gusto lang na maalala sya o kaya hanap-hanapin sya at nag-iintay lang na kausapin sya.
  5. Nagkakailangan. Akala pinaparinggan sya o kaya akala magkaaway sila o mas malala kung umamin yung isa na may gusto sa isa, nagkakakailangan tapos hindi na mag-uusap.
  6. Nagbago na. Maaring nagbago na ang ugali at ayaw na nyang lumapit pa dito. Naging mayabang o sobrang landi kaya mas mabuting iwasan.
  7. Pinagpalit. May mga bago ng friends kaya hindi na makausap. Focus sa mga bagong kaibigan at kinalimutan ang naunang kaibigan.
  8. Wala lang. Di lang talaga nila gustong mag-usap. Walang pag-uusapan o di interesadong makipag-usap.
  9. Nagkalimutan. Bigla na lang nakalimot. Daig pa ang na-amnesia at lahat ng pinagsamahan ay binaon sa limot.
  10. Nagka-lovelife. Nang magka syota yung isa, di na nagkausap. Maaring sobrang busy nung isa o kaya takot mapagselosan kaya umiwas yung isa.

Masakit kapag bigla ka na lang iniwasan ng kaibigan mo. O kaya bigla na lang kayong hindi nagkausap kahit wala namang dahilan. Di mo alam kung magsosorry ka ba, iiwasan mo rin ba sya o kakausapin mo at tatanungin, “Bakit di na tayo nag-uusap?”.

Saturday, April 13, 2013
Ito ang mahirap sa Tumblr, mahirap alamin kung NAKIKIPAGKAIBIGAN ba talaga ang isang blogger o sadyang NILALANDI ka lang nya.
Minsan kasi akala natin lahat na lang ng tao gusto tayong landiin, paibigin tapos biglang iwan at sasaktan. Pero madalas mali, maling-mali. Sa sobrang dami kasi ng pinagdaanan mo, nadadala ka na lang ng emosyon mo. Gusto lang naman kasi talagang makipagkaibigan nung blogger tapos ikaw naman tong OA na PARANOID pa, iiwas ka at akala mong papatayin ka. Eh wala naman palang balak yung blogger na patulan ka o ni saktan ka. Assuming ka lang.
Pero minsan tama rin naman yung nararamdaman mo. Tama lang din na umiwas ka kasi nga baka magtuloy pa dun. Wala namang nagsabi na yun ang pakay nya pero pano nga kung ganon ka karupok? Pano kung mabilis kang mahulog? At kung kelan nahulog ka na saka ka naman nya hindi sinapo. Masasabi mo na lang na, “Sana pala di na lang kita kinausap”, “Sana pala noon pa lang umiwas na ako” o “Sana pala di na lang kita nakilala”.
Sabi nga nila, “Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman”. Pero kung lagi ka na lang susubok at masasaktan, maawa ka naman sa sarili mo. Walang masamang makipagkaibigan, alamin mo lang ang limitasyon mo. Di mo kaylangang magpaka paranoid o ano pa man. Hindi lahat ng tao sasaktan ka. Baka kasi sa sobrang iwas mo, naiiwasan mo na pala yung mga taong DAPAT pala talagang maging parte ng buhay mo.

Sunday, April 7, 2013
Di ko naman pangarap magkaroon ng perpektong kaibigan. Yung laging nanjan para kausapin ka, yung sasabihin sayo lahat ng sikreto nya, yung lahat ng trip mo sasakyan, yung pagtatakpan ka sa mga kasalanan mo, yung ipagtatanggol ka sa lahat ng umaaway sayo, in short, lahat gagawin para lang sayo. 
Sapat na ako sa kaibigan na sa kabila ng distansya, sa kabila ng pagkakaiba at sa kabila ng problema, handang maging totoo sayo, tatangapin ka at di ka iiwan.
Ito ang kaibigan, wala mang tawagan, sweet na usapan o sikretong pinagsasaluhan, ang mahalaga TUNAY, TOTOO at DI NASUSUKAT.

Wednesday, April 3, 2013

Tanging TUNAY NA KAIBIGAN lang ang makakagawa

  1. Hihingan ka ng piso na parang may patagong pera.
  2. Bubuksan ang bag mo ng walang paalam para kumuha ng papel o polbo.
  3. Makikitext sayo, LAGI.
  4. Akala mo camera nya yung sayo kasi puro picture nya.
  5. Kapag inalok mo, kukunin yung lalagyan.
  6. O kahit di mo inaalok, dudukot kagad.
  7. Di magdadalawang-isip na amuyin ka kapag sinabi mong “Ang baho ko na”.
  8. Harap-harapan kang pipintasan at tatawanan.
  9. May supply ka ng malulutonng na mura at tampal tuwing masaya sya.
  10. Tumatawa ng malakas at walang kaarte-arte sa harap mo.
  11. Tawa pa lang nya, mahahawa ka na.
  12. Kapag dating sa bahay nyo, dire-diretso, akala mo ikaw ang bisita.
  13. Pagtitripan at halos mapatay ka tapos tatawa lang.
  14. Ipopost yung mga epic mong picture basta gwapo/maganda sya dun.
  15. Iiyak sa harap mo ng walang kahiya-hiya.
  16. Mas galit pa sya sa EX mo o sa mga kaaway mo. Reresbak anytime.
  17. May bansag sayo pero di mo magawang mapikon.
  18. Kapag dumaan yong Crush mo, biglang tatawagin pangalan mo o kaya itutulak ka diretsi sa crush mo.
  19. Di ka pa nagsasalita alam ng may problema ka.
  20. At yung tunay na kabigan, sila yung naiisip mo habang binabasa mo to.

Maswerte ka kung mayroon kang matatawag na MGA TUNAY NA KAIBIGAN. Yung alam mong magkamatayan man di ka ilalaglag. Yung di man kayo laging magkausap, alam mong nanjan lang sa likod mo at handang sumalo anytime.

“It’s the friends you can call up at 4 a.m. that matter.” 
― Marlene Dietrich

Tuesday, April 2, 2013
(Kasama mo Ako In Bad times and In Good times Asahan mo Nandito lang ako)
Noon, yaan ang talamak na role ng isang kaibigan. Pero ngayon, iba na. Ibang-iba:
Kaibigan sa oras ng pangangailangan. Kapag wala kang kaylangan, wala sya. Parang superhero lang sya sayo. Di ka tuloy makagawa ng good memories kasama sya kasi tuwing kaylangan mo lang sya lilitaw. Gara.
Kaibigan kapag sya may kaylangan. Magpaparamdam kapag may kaylangan lang sya. Ikaw naman ang superhero ngayon. Naks!
Masabi lang na magkaibigan. Isang beses lang nagkausap at huwag lang masabi na stranger sila sa isa’t-isa at lalong di sila magkaaway kaya sila’y MAGKAIBIGAN. Galing.
Kaibigan na palihim na minamahal. Mga taong na-friendzoned o kaya papunta na sa pagiging friendzoned. Saklap!
Kaibigang gustong matikman. Friends with benefit lang ang peg. Uso.
Kaibigang plastik. Anghel kapag kaharap mo, dimonyo kapag nakatalikod sayo. Yey. Mabuhay!
Kaibigang malandi. Sobrang sweet. Kala mo syota. Kapag na-fall ka naman, di ka sasaluhin. Gago!
Kaibigan lang sa Facebook/Tumblr/Twitter. Hanggang online lang kayo. Like/Favorite tapos reply/comment. Minsan chat/TA. Daig ang fairy tale kasi magkaibigan sila HINDI SA TOTOONG BUHAY.
Kaibigan na lang. Dating magsyota na nauwi sa break na nauwi sa friends, friends na lang. Sakit non.
All around kaibigan. Syempre mayroong mala-MANG TOMAS, all around. lol Lahat ng hahanapin mo nasa kanya nya. Yun nga lang, di sila ganoon kadali makita. Minsan di sila nag eexist. 
Nakakatawa kung papaanong mas madalas mo pang pinoproblema ang mga kaibigan mo kaysa sa lovelife mo at sarili mo. Yung dapat umiintindi sayo, sila pa tong pinoproblema mo. Gulo diba?
Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan. Di lahat pwede mong maging kaibigan kaya mabuting piliin lang ang DAPAT at MABUTING samahan para di ka mabiktima ng MALING KAIBIGAN.

(Kasama mo Ako IBad times and IGood times Asahan mo Nandito lang ako)

Noon, yaan ang talamak na role ng isang kaibigan. Pero ngayon, iba na. Ibang-iba:

  1. Kaibigan sa oras ng pangangailangan. Kapag wala kang kaylangan, wala sya. Parang superhero lang sya sayo. Di ka tuloy makagawa ng good memories kasama sya kasi tuwing kaylangan mo lang sya lilitaw. Gara.
  2. Kaibigan kapag sya may kaylangan. Magpaparamdam kapag may kaylangan lang sya. Ikaw naman ang superhero ngayon. Naks!
  3. Masabi lang na magkaibigan. Isang beses lang nagkausap at huwag lang masabi na stranger sila sa isa’t-isa at lalong di sila magkaaway kaya sila’y MAGKAIBIGAN. Galing.
  4. Kaibigan na palihim na minamahal. Mga taong na-friendzoned o kaya papunta na sa pagiging friendzoned. Saklap!
  5. Kaibigang gustong matikman. Friends with benefit lang ang peg. Uso.
  6. Kaibigang plastik. Anghel kapag kaharap mo, dimonyo kapag nakatalikod sayo. Yey. Mabuhay!
  7. Kaibigang malandi. Sobrang sweet. Kala mo syota. Kapag na-fall ka naman, di ka sasaluhin. Gago!
  8. Kaibigan lang sa Facebook/Tumblr/Twitter. Hanggang online lang kayo. Like/Favorite tapos reply/comment. Minsan chat/TA. Daig ang fairy tale kasi magkaibigan sila HINDI SA TOTOONG BUHAY.
  9. Kaibigan na lang. Dating magsyota na nauwi sa break na nauwi sa friends, friends na lang. Sakit non.
  10. All around kaibigan. Syempre mayroong mala-MANG TOMAS, all around. lol Lahat ng hahanapin mo nasa kanya nya. Yun nga lang, di sila ganoon kadali makita. Minsan di sila nag eexist. 

Nakakatawa kung papaanong mas madalas mo pang pinoproblema ang mga kaibigan mo kaysa sa lovelife mo at sarili mo. Yung dapat umiintindi sayo, sila pa tong pinoproblema mo. Gulo diba?

Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan. Di lahat pwede mong maging kaibigan kaya mabuting piliin lang ang DAPAT at MABUTING samahan para di ka mabiktima ng MALING KAIBIGAN.

Saturday, December 29, 2012

Kaibigan VS Barkada

Madalas napagpapalit natin ang dalawang salita nito. Akala kasi natin magkasingkahulugan lang sila pero ang totoo, magkaibang bagay ito.

Kaibigan

  • Sila yung madalang mong makausap.
  • Maaring taon mo nang kakilala.
  • Marami na kayong pinagsamahan.
  • Takbuhan kapag may problema.
  • Maswerte na ang isa o dalawang text sa loob ng isang linggo.
  • Nagagawa mong iyakan.
  • Lumalabas yung TUNAY na ikaw kapag kasama mo sila.
  • Mas kilala ka pa nila kaysa sa kapatid mo.
  • Madaling ma-inlove sa kanya.

Barkada

  • Lagi mong kausap.
  • Kasama sa lahat ng trip at ligaya.
  • Ilang araw o buwan pa lang kayong magkakilala.
  • Maraming alam sayo.
  • Pwedeng ni hindi pa kayo nagkikita sa personal.
  • Marami kayong nagpauusapang chismis.
  • Iiwan ka ng walang dahilan.
  • Mahirap sabihan ng problema, baka pagtawanan ka.
  • Madaling nawawala at napapalitan.
  • Puro happy-happy lang kapag magkasama kayo.

Malaki ang pinagkaiba ng kaibigan at barkada. Maaring makita mo yung parehong katangian sa iisang tao pero mangingibabaw pa rin kung ano talaga kayo.

So, magkaibigan ba tayo o magkabarkada?

Monday, November 26, 2012

K - A - I - B -I - G - A - N

Yung kaibigan mong 

  • Pangarap mong maging syota.
  • Dati mong love life.
  • Karibal mo.
  • Crush na crush mo.
  • Madalang mong makausap.
  • Pinagseselosan mo.
  • Dating kaaway.
  • Walang pakielam sayo.
  • OA magpahalaga.
  • Famous.
  • Malakas magsinungaling.
  • Papansin sa maling paraan.
  • Nakikipagplastikan sayo.
  • Magaling magpayo.
  • Hindi mo pa nakikita sa personal.
  • Naglahong parang bula.
  • Matampuhin.
  • Puro pakinabang ang gusto.
  • Hinding-hindi ka iiwan.
  • Nagmamahal ng patago.
  • HINDI MO NA KAIBIGAN NGAYON.

Ano man ang katangian ng kaibigan mo o kung ano man ang mga inuugali nya sayo, magpasalamat ka, may dahilan kung bakit ganyan ang role nya. Siguro nga hindi lahat ng katangian magiging pabor sayo pero ang mahalaga wala kang ginagawang masama sa mga ito. :-)

Friday, November 2, 2012

Ang kaibigan parang pera

  • Kapag madaling makuha, madaling mawawala.
  • Kahit madami kung peke naman, wala ring kwenta.
  • Lahat may karapatang magkamit pero ilan lang ang pinapalad na makakuha ng sapat.
  • Mahirap mabuhay ng wala.
  • Kapag hindi iningatan maaring mawala.

At higit sa lahat, ang kaibigan gaya ng pera, isang kayamanan, tunay na kayamanan. :)

Wednesday, October 10, 2012
BYAHE NG BUHAY
Ang buhay ay isang mahabaaaaaaaaaang paglalakbay na ikaw mismo ang drayber - drayber ng sarili mong jeep.
Sa umpisa ng iyong byahe, mayroon ng mga taong nanjan agad para suportahan ka. Maaring turuan ka nila kung paano magdrayb o di kaya’y turuang paandarin ang sarili mong dyip.
Sa daan ng iyong paglalakbay, marami kang makakasalamuha. May mga taong makikita mo sa daan pero hindi mo makakasama. At syempre yung mga taong sasakay byahe mo at makikilala mo.
Kung tutuusin masaya na may mga taong dumating para samahan ka sa iyong paglalakbay. Turuan ka ng ilang mga aral o di kaya’y magbigay ng kanilang bahagi na siguradong makakatulong sa iyong byahe. Pero nakakalungkot isiping gaya ng isang tipikal na byahe ng dyip, yung mga taong mapapalapit sayo, sila yung mga taong uupo sa likod mo habang nagmamaneho ka, sila pa yung kalimitang unang bumababa. Yung mga taong naging sobrang napalapit sayo, saglit mo lang palang makakasama. Maaring iniwan ka nila dahil ayaw na nila o sadyang panahon na para lumayo at lisanin ka niya.
At nakakatuwang isipin na kung sino pa yung sasama sayo sa buong byahe mo, sila pa yung mga pasaherong sasakay sa dulo ng jeep mo, malapit sa tambutso. Mga taong alam mong nadyan, laging nandiyan at hindi ka pababayaan, sila pa yung hindi mo ka-close.
Ang gulo ng buhay no? Bakit kaylangang nauuna pang mawala yung mga taong sobra mong pinapahalagahan at malapit sa iyong puso? Siguro patunay lang ito na habang lalo mong inilalapit ang isang tao sa buhay mo, binibigyan mo lang sila ng karapatang saktan ka ng todo. At patunay rin na kung sino pa yung hindi nating masyadong binibigyan ng importansya, sila pa yung handa kang samahan at hindi iwan. 

Monday, September 10, 2012

Note #42

Before it’s too late.

Pahalagahan mo na lahat ng tao at bagay sa paligid mo bago mahuli ang lahat. Kaylan mo sya papahalagahan, kapag nasa kamay na sya ng iba? May magagawa pa ba ang pagsisisi? Wala dahil yun na yung parusa sayo.

Maiksi lang ang buhay, isulit mo. 

Saturday, August 4, 2012

Sa mundo ng pagkakaibigan

  • Matira ang totoo.
  • Hindi lahat ng mabait, tunay.
  • Hindi yan pa-sweetan, patagalan yan.
  • Hindi ubra ang conditional friends.
  • Bawal ang pikon.
  • Dapat malawak ang pang-unawa.
  • Makuntento.
  • Give and take.
  • Handa kang itama ka at handa mong itama sya.
  • Hindi puro sarap ang gusto, dapat magkasama rin sa hirap.
  • Hindi basta-basta nawawala.
  • Hindi kaylangang laging magkasama o magkausap.
  • Kapatid ang turingan.
  • Hindi parang BF/GF na tinatapos.
  • Bawal mainlab.

1 of 2
Next page