
Iwasang magsabi ng mga bagay na hindi mo naman talaga nararamdaman. Maari kasing umasa yung isang tao o mawalan na ng saysay yung sinasabi mo.
Lahat ng bagay na paulit-ulit, nakakasawa.
I MISS YOU
Darating ka talaga minsan sa puntong maalala mo sya tapos masasabi mo na lang, “Miss ko na sya”. Tapos patuloy mo pang aalalahanin yung masasayang araw niyo at yung mga bagay na nagpasaya sayo at bigla ka na lang mangingiti sabay sabing “Wala na sya, wala na talaga. Dapat akong maging masaya”.
Pero minsan, hindi naman talaga yung tao ang namimiss mo, madalas
Pero akala mo ang masakit lang e yung miss na miss mo sya tapos hindi ka nya namimiss? Mas masakit pala yung katotohanan na kahit anong gawin mo, alaala na lang siya at wala na - tapos na kayo.
MISS NA MISS NA MISS NA KITAAAAAAA! :(
Yung wala ka namang magawa kung hindi tanggapin na lang na BUSY sya. Yung hahayaan mo na lang kasi alam mo namang tama yung ginagawa nya. Yung alam mong gusto rin nyang magka-oras sayo pero wala rin syang magawa. Sana ganoon kadaling tanggapin ang lahat. Sana ganon lang kadaling sabihin na, OKAY LANG, TAKE YOUR TIME. Pero minsan hindi eh. -_-
Kahit anong gawin mo may pagkukulang sa puso mo. Yung sakit nandun kahit wala namang dapat na ikasakit. Wala ka man sa lugar, pwes sino sila para sabihin yon? Sila ba ang nangungulila? Sila ba ang mag-isa? Sila ba? Hindi naman eh, ikaw.
Kung pwede lang na
Kaso mahirap. Hindi pa ngayon. Hindi pa nga siguro ngayon. Malay natin balang-araw. Balang-araw darating din yon. Tiwala lang. Sa ngayon? Sapat na ang I MISS YOU.
I MISS YOU
Nakakatawa man sabihin pero OO, MISS NA MISS NA KITA. Hindi ko alam kung aakalain mo bang ikaw to pero ikaw talaga. :(
Siguro nga nagkakausap naman tayo. Nanjan ka naman e. Pero bakit? Bakit nandito pa rin yung pangungulila sa puso ko? Hindi ko alam kung anong mali sakin. O kung mali ba tong nararamdaman ko pero alam ko totoo to. Miss kita.
Ang sakit na wala akong magawa. Wala akong magawa para mawala ito ang nararamdaman ko. Liban sigurong ilabas ko ito gamit ang mga salitang hindi ko rin alam kung saan namula.
MISS NA MISS NA KITA :(
Pano ko nga ba sasabihin? Pano ko nga ba aaminin e malamang pagtawanan mo lang ako. Nandyan ka nga pero ewan, ewan ko… . Nagagago na naman ako. Di ko alam kung may sagot ba sa mga tanong ko o kung dapat bang sagutin ang tanong ko.
Sana lang kung ano man ginagawa mo ngayon, mabasa mo man to o hindi, sana okay ka. Sana kapag hindi ka na “BUSY” matutunan mo ang daan pabalik sa akin.
Hihintayin kita. Sana dumating ka … .
Eto yung pakiramdam na madalas kong nararamdaman. Yung kapag sobrang miss mo yung tao, titingnan mo yung blog nya o yung profile nya sa FB. Tinitingnan kung ano ang pinagdaanan niya sa mga oras o araw na hindi kami nagkakausap o nagkikita. Tapos mapapangiti ako. Maiisip ko na okay naman pala siya. Tapos unti-unting mapapawi yung pagka-miss ko kahit hindi kami nagkausap o nagkita. Ang sarap sa pakiramdam - nakakaluwag ng dibdib. Tapos ilang araw lang mamiss ko na naman sila. Tapos ganon ulit. That’s friendship? Yes, understanding that some people should not stay on your side but on your heart. :)