Pagkatapos ng isang relasyon, panahon na ng adjustments. Syempre marami nang magbabago at kasama na rito yung pakikitungo mo sa kanya. Wala na kasi kayo, hindi na kayo at mas lalong hindi na sya sayo.
Dalawa lang kasi yan
Kung sa tingin mo ayaw mo talagang mag move on, eh sige habulin mo. Makipagbalikan ka. Isulit mo ang pagpapakatanga. Pero kung no choice ka na talaga, MOVE ON na. Tulungan mo ang sarili mo. Magsaya ka, maglibang ka o kung ayaw mo talaga, PAKAMATAY KA NA. joke Gagong to. Di lang ikaw ang nakaranas nyan, mas grabe pa nga yung sa iba eh. Kaya mo yan. Tiwala lang.
Normal na ngayon ang magkaroon ng EX. Madalas kung sino-sino pa ang dadaan sa buhay natin bago natin makita ang tunay na para sa atin. Minsan akala natin SIYA na pero di pa pala. Isa lang pala sya sa mga taong magpaparamdam sayo ng sakit na dulot ng pag-ibig. Aasa ka, masasaktan ka pero sa bandang huli makikita mo na hindi talaga sya ang para sayo.
Maging masaya ka na lang minsan itong naging sayo.
| Huwag mong laitin ang bago ko, tandaan mo ako rin ang pumili sayo. |
| EX: | Bakit mo sya kakalimutan kung pwede mo naman syang maging kaibigan? |
Ano akala mo “Y” saka x-ray lang ang may “X” ?
Uso na kaya yung
Lahat ata ngayon may-ex na. Kahit sabihin mong NGSB/NBSB ka, siguradong nausuhan ka na ng EX fever. Yung tipong yung bagay at relasyon na hindi naman dapat nagkakaroon ng X, nauuwi rin sa ganon. Dapat bang magkaroon ng ex-bestfriend? Pano mo naging bestfriend kung simpleng bagay di nyo mapagkasunduan? Gara.
Isa lang to sa masakit na katotohanan na kahit yung mga bagay na hindi naman dapat natatapos, nauuwi na rin sa wala. Ganon talaga kapag minamadali, pabig-bigla, hindi nag-iisip at pinapangunahan ang tadhana.
Ang mga bagay, gaya ng pag-ibig, darating yan sa tamang panahon at pagkakataon. Hindi mo kaylangan magkaroon ng best friend, tropa, follower, crush o kalandian para lang makiuso.
Wag basta maki-trend.

Di ba pwedeng sinusubukan ka lang kung gaano ka katanga?


Normal ang maasar, lalo na sa mga taong talagang nakakasar. Yung mga taong masarap ihampas sa semento sa kayabangan. O yung mga may ginagawang kabalbalan tapos napeperwisyo ka na. Pero aminin mo man o hindi, minsan naasar ka sa mga taong walang namang talagang ginagawa sayo.
Sila yung mga taong hindi sinasadyang makaasar pero dala ng pagkakataon at sitwasyon, nakakaasar na rin sila. Haha. Isa na jan ang BAGONG KARELASYON ng ex mo. May kung anong nagtutulak sayo para kaasaran ang taong ito na wala namang ginawa yun. Yung tipong ampait pait mo kapag nakikita mo sya kahit di ka naman inaano. Tapos ngingitian ka? Ay letse, sarap upakan.
Minsan pa nga, tuwing makikita mo sya, pinapaliguan mo sya. Hindi ng tubig kundi ng panlalait. Haha. Lahat na rin ng mura nasasabi mo tapos sya walang kaalam-alam na halos ipakulam mo sya. :))
Kapag nag-uusap pa nga kayo ng mga kaibigan mo, lagi mong sinasabi, “Kaypangit naman nung pinalit sakin” “Sus walang taste!” “Tao ba yan? Bat parang hindi?” at iba pa. Akala mo kung sinong nuno sa punso ang dinedescribe mo. HAHA. Nakakatawa diba? (Guilty)
Nakatatawa di ba? Pero alam mo kung ano mas nakakatawa? Yung katotohanan na ang pumili sa kanya e yung mismong taong pumili rin sayo dati. HAHAHAHA. Kung sa tingin mo e walang taste ang EX mo, malamang nung pinili ka pa lang e wala na rin syang ka taste taste. :)
BITTER ka lang e. Ang dapat mo lang gawin e, tanggapin ang sitwasyon. Na wala na sya. Ituon mo ang sarili mo sa pag momove-on at hindi sa panlalait sa kanya. Tandaan mo: Kapag nilalait mo ang bago nyang nagustuhan, mas malala pa ang balik sayo nun. Kaya ka nga pinalitan e, kasi mas higit sayo un. HAHAHAHA.
BOOOM!