The.Rapist ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 18 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
 photo ce71daba-2af8-4ae1-ac82-81f3b1982cbd_zpsf64f01ad.jpg

 photo 3rd_zpsca2fe226.gif

Tumblr Tip #15

Tuwing magpopost ka, lagi mong iisipin “NASA TUMBLR KA”.

Sunday, November 18, 2012

Tumblr Tip #14

“Using tags”

Isa sa mga mahalagang bagay na madalas hindi nagagamit ng maayos ay ang TAG. Madalas kasi dito natin nilalagay yung mga gusto nating sabihin pa pero ayaw nating ilagay sa post mismo. Madalas nandito yung HAHAHAHA, Blah blah, ETC.

Pero dapat gamitin to ng tama para na rin sa tamang pagba-blog.

  1. Para maayos ang TAGs sa blog at magkakasama sa blog mo yung mga magkakamukhang posts. Kumbaga kapag gumawa ka ng table of contents, sure kang magkakasama-sama yung related posts mo.
  2. Para ma-search kahit ng hindi follower mo. Para kapag nag search sila ng tag, maari nilang makita yung post mo kahit hindi sila nag pupunta sa blog mo.
  3. Para makapag papansin. Syempre kung gusto mong magpa-impress dapat alamin mo hilig nya at yung laman ng tracked tags nya at i-tag mo dun para mabasa nya na para sa kanya yun. :)

Achievement ng isang blogger kapag matapos syang maging inactive may mga tao pa ring bumibisita sa blog nya dahil nakaayos ito at madaling puntahan yung mga interesting posts ;)

Sunday, August 19, 2012

Tumblr Tip #13

“Adjusting volumes for Hypster and SCM”

Halos lahat ng blog ngayon may BGM na. Magiging dahilan din kasi to para tambayan nila blog mo kapag matino mga kanta mo o pamatay ang BGM mo. Pero minsan dahilan din ito kung bakit nung nagpa-check blog ka, hindi ka na-follow. 

Kung SCM o Hypster ang gamit mo para sa BGM mo, para maiwasang mabingi ang mga nagchecheck blogs, kapag gumagawa ka ng playlist o BGM, adjust the volume.

Why? Para kapag bungad sa blog mo hindi naman mag eskandalo kung naka speaker sya o di kaya mabingi sya kapag nag autoplay tas naka-earphone sya.  Para din to mas maging maayos ang pagbabackread nila sa blog mo. Yung tipong mejo mahina lang yung BGM para sakto sa pagbabasa.

I use 30% para sa BGM ko pero depende yun kung ano trip niyo. Mga blogger na  ang bahalang maglakas kung gusto talaga nilang madining ang kanta sa blog mo. :)

PS: Kapag nakagawa na kayo dati sa SCM just copy the code na dati mong ni-paste and click IMPORT kapag nasa site ka na nila para di ka na mahirapan. Makakapag edit ka na like adding songs, changing the volume, para ma-shuffle or kung ano mang revisions. :) Sa Hypster, just open your account then copy the codes na adjusted na. K? :)

Saturday, June 23, 2012

Tumblr Tip # 12

“Formatting text using HTML codes/tags”

Kapag magpopost, lalo na kung mahaba, dapat i-emphasize mo yung mahahalagang points mo. Pwede kang gumamit ng bold, italic o strikethrough. Pwede ring gumamit ng bullets or number o kaya blockquote. Kapag kasi nilagyan mo nyan, mas madali nilang makikita yung mga gusto mong palitawin o palabasin sa post mo. Mas marami rin ang maeengganyong magbasa kung hindi dire-diretso lang basta yung post mo.

Ilan lang to sa mga ginagamit ko para i format yung text post ko.

  • Kung gusto mo ng malalaking font para sa post mo, use <big>YOUR TEXT HERE</big> tag. YOUR TEXT HERE.

How?

  1. Type YOUR TEXT HERE.
  2. Tas click HTML. You’ll be directed to the HTML Source Editor.
  3. Tapos gayahin mo lang yung ginawa ko. Just add the tag <big> and  </big>, bago at pagkatapos ng text na gusto mong lumaki. Tas click UPDATE.
  4. Dapat ganito ang lalabas YOUR TEXT HERE.
  • Ganito din ang gagawin kapag gusto mo ng small, just add <small> YOUR TEXT HERE</small>.
  • Pwede ring ganito just add <pre>
 YOUR TEXT HERE 

</pre>.

PS: Marami pa atang ibang tags, pero di naman kasi ako PRO sa HTML at yang mga yan e nadiskubre ko lang din galing sa mga post ng ibang blogger. Kapag may mali, o may gusto kayong idagdag o sabihin, just reply or TA me. :”>

Sunday, June 17, 2012

Tumblr Tip # 11

“How to convert youtube video to MP3 for audio post”

Para magamit mo ang mga songs sa youtube bilang BGM mo, lalo na kung streampad gamit mo, dapat i convert mo muna sya sa MP3 then audio post. Pwede rin to kapag gusto mong I-DL yung mga songs sa youtube at ilagay sa CP/playlist mo.

To convert, ganito ginagawa ko:

  1. Go to youtube.
  2. Go to the video. 
  3. Click to the address and copy.  
  4. Go to snipmp3
  5. Paste then download.  

Pwede rin sa sa Zamzar. Mas madali lang talaga sa Snipmp3 pero mas maraming pwedeng i convert sa Zamzar like documents, pictures or audios.

  • Just go to Zamzar.com then convert tapos punta ka sa email mo to download the converted files.

PS: Bawal na raw sa Zamzar ang youtube. So use it in converting other files na lang. So Snipmp3 na talaga ang gamitin niyo.

IMPORTANT NOTE: Download Java. Kaylangan yan bago makapag convert sa Snipmp3 :)

Thursday, June 14, 2012

Tumblr Tip # 10

gwapongred:

Isa sa pinakamahalagang bagay sa Tumblr ang URL.

Syempre, dito ka nila matatagpuan at syempre dito ko nila makikilala. Madalang lang na kilala ka sa First Name kapag nasa Tumblr ka. Madalas sa URL ka nila kilala.

Tips sa pagpili ng URL:

  • Dapat catchy. Mahalaga na malakas ang dating ng URL mo. Yung tipong kapag nabasa nila sa Dash agng URL mo, may kung anong magtutulak sa kanila para i-type ang *insertURL*.tumblr.com.
  • Dapat related sa blog mo o sayo. Mahalaga na related sa blog mo o kaya sayo ang URL mo. Kungwari pangalan mo kapag mejo personal. O kaya may keyword like para alam nila kung ano maari nilang makita sa blog mo.
  • Dapat unique. Unique not in the sense na walang kamukha kasi imposible naman un yun tipong mejo original at talagang pinag-isipan. Yung walang katunog na iba kasi baka mapagkamalan kang gaya-gaya at malamang bumaba ang first impression nila.
  • Dapat pang URL. Wala namang rule sa pagpili ng URL kapag pumipili ka na. Hahayaan ka lang ni Tumblr, pero syempre kung pipili ka dapat yung pang URL ang dating. Malalaman mo lang yun kapag may nakita ka nang ibang URL o sa tingin mo mejo normal ang URL mo. Hindi kasi maganda yung tipong nangsihudasaymadulas.tumblr.com o kaya isadalawatatloapatlimaanim.tumblr.com.

Kapag nakapili ka na ng URL na mejo sang-ayon sa mga tips ko, sa tingin ko okay na yan. :)

Ang dapat mo ngayong hintayin ay yung mga SABAW moments at bigla kang makakaisip ng napakandang URL at pwedeng-pwede ka nang magpalit.

PERO…

*Ang URL ay hindi parang post na iba-iba dapat araw-araw o kada oras. Hindi advisable na magpalit ng madalas. Bakit? Simple lang, kasi hindi ka marerecognize. Kung magpapalit ka ng magpapalit, hindi ka nila matatandaan. Maaring may humanga sa isa mong post pero sa kapapalit mo, hindi ka na nya ulit makita. Diba? O kaya naisipin ka nang kausapin ng crush mo kaso nung mag TA na sya di ka na nya makita, naudlot tuloy love life nyo. Sayang.

Gaya ng mga pangalan natin, ganoon man kahalaga ang URL.

TANDAAN MO: Aso nga pinapangalan para may pagkakakilanlan, deserve din ng blog mo yon.

Wednesday, June 13, 2012

Tumblr Tip # 9

“Creating Animated GIF using Photoscape”

Pwede kang gumawa ng GIF gamit ang photoscape by just adding different but related images. Kaylangan may variations para mag create ng movement or effect. 

How to do it:

  1. Open Photoscape.
  2. Go to Editor. 
  3. Click menu  to create new photo. Here I use 500x200 (white) 
  4. Then create different images like these (images below) using Object menu and draw tool then save it one by one.

    5. Next go to Animated Gif  

    6. Add the photos you saved one by one.

 

    7. Change the time (ikaw na bahala kung gaano kabilis trip mo, pero mas maganda kung 0.10sec lang)  

    8. Then save. Dapat magiging ganito na sya. 

PS: Simple lang yung nilagay ko para mas madaling intindihin. Ganyan lang kasi ang concept ng lahat GIF. Dito kasi ako natuto.

Pwede ka rin gumawa ng ibang GIF using images or photos created sa ibang application tulad ng photoshop, photofiltre etc. As long as may variations, yun okay na yun. Here’s an example, ginawa ko to sa Photofiltre.

  • Same procedure lang gaya nung isa, just use these pictures and add them with this pattern (211131114111)
  • PS: The numbers represent the image # (below)
  • Then save. It should look like this.

Isa lang to sa maraming paraan ng paggawa ng GIF. Eto kasi ginagamit ko dahil hindi ko ginagamit ang Photoshop at mas nadadalian ako dito. If ever you find this tutorial, nonsense, hayaan niyo na lang. Hindi naman to para sa marurunong na at sa mga professional, para to dun sa mga nagtatanong sakin. K? :)

Monday, June 11, 2012

Tumblr Tip # 8

“Photoscape”

Wala ka bang photoshop? O kung meron, hindi ka ganoong maalam at gusto mong mag edit o gumawa ng kababalaghan sa pictures mo? I recommend PHOTOSCAPE.

Ano ang PHOTOSCAPE?

Isa to sa mga ginagamit ko saka yung Photofiltre. Hindi ko kasi magamay yung photoshop. (Next time ko i post yung sa photofiltre)

Saan ko ginagamit ang PHOTOSCAPE?

  • Creating Animated GIFs Note: Not GIFs from videos. Gifs to mula sa pinagsama-samang images na magkakaiba para makabuo ng simple GIF like this  
  • Combining pictures.  
  • Creating pages.  
  • Simple editing. Mga simpleng editing lang para sa mga simpleng pangangailangan :) 
  • Splitter for photoset.  
  • Converting RAW to JPG.

PS: Ilang lang yan sa features ng photoscape. Marami pang pwedeng gawin dun, yan lang kasi ang common na ginagamit.

San i-download ang PHOTOSCAPE?

Madali lang syang i-download unlike other applications. Search lang sa Google (type photoscape) or go here.

—————— 

PS: Di ko pa master ang photoscape pero matagal ko na rin tong ginagamit kaya mejo marami na rin akong nalaman. I’m more than willing to help just leave a comment or question. 

Saturday, June 9, 2012

Tumblr Tip # 7

“Tumblr Shorcuts”

Ang ilan sa mga ito ay nag trending na sa Dash noon pa. Kaya din nalaman ko to kasi nakita ko sa ibang post. Just wanna share ulit, para na rin may maipost ako. :))

1. Auto-Reblog

  •  Hold Alt Key
  • Then click reblog button. 
  • Magiging GREEN yan, ibig sabihin na reblog na non.

PS: Ginagamit ko kapag wala na akong babaguhan sa post. Kapag wala ng edits, okay na to, saka para mas mabilis.

2. Reblog (Open in New Tab)

  • Hold Ctrl Key
  • Then click reblog button. 
  • Magbubukas yun as new tab para hindi ka mawala sa Dash.

PS: Mas mainam to kapag ieedit mo pa yung post at ayaw mong maabala sa Dash. Ganito din ang gagawin kapag gusto mo buksan sa ibang tab yung page na gusto mong puntahan, just hold CTRL key and click on the button.

3. Check follower, draft, message and queue counts. 

  • Hold Alt Key
  • And click on the blog title. 

PS: Ganyan din gagawin kung marami kang blogs. Click mo lang kung san mo gusto pumunta, kunwari sa list ng followers mo, just click followers and automatic mapupunta kn dun. 

4. Checking posting time and viewing posts. 

  • Move mo lang yung cursor sa gawing taas nung heart (like button) tapos dapat magiging kagaya na sya nung sakin. 
  • If gusto mong pumunta directly sa post, just click on this part.  

Natutunan ko lang din yan sa ibang blogger. So sad, di ko malagay yung credits kasi nakalimutan ko na. But still thank you. Nakatulong to, sana ako din. :)

Friday, June 8, 2012

TUMBLR TIP # 6

Photoset dimension (6 photos unequal

  1. 500x300
  2. 245x133
  3. 245x133
  4. 160x160
  5. 160x160
  6. 160x160

Photoset dimension (6 photos equal)

    1-6. 245x133 

Photoset dimension (9 photos equal)

    1-9. 300x300

Ganito ginagamit ko kapag photoset. Pwede naman kahit mejo kalapit lang na sizes pero sa tingin ko, yan ang pinakamainam, ayon na rin sa ilang blogger.  Kapag mali kasi yung size, pangit tingnan yung picture. May ilang parts lang na makikita kaya kung hahati-hatiin yung isang picture para bumuo ng photoset, pangit ang kakalabasan. :D But with these sizes, mas madali, mas maganda at mas masaya. :))

.

SM: jeremyfuckingmckinnon & coloringbieberquestions

Thursday, June 7, 2012

Tumblr Tip # 5

“Huwag magalit sa Track Tag”

Naranasan mo na bang magkaroon nito ^ tapos pag pindot mo walang laman? O walang bago?

Huwag kang magalit sa Track tag. Wala syang kinalaman dun. Dalawang bagay lang yan: 

  1. Mainipin lang talaga yung nag-tag sayo. It’s either niprivate niya na yung post or dinelete bago mo pa man makita. Masabi lang na nagreply sya sa reply mo. 
  2. Makupad ka lang talaga. Sa kakatambay mo sa blog mo o panonood mo nang porn este nang PBB nakalimutan mo nang may kausap ka kaya na private/delete na nya. Ikaw may kasalanan, hindi si Track tag. lol.

Paano maalis ang paasang Track Tag?

  1. Pindutin ang tag.
  2. Pindutin ang X.  
  3. Click OK to Stop tracking tag.
  4. Tas track mo ulit. 
  5. Voila! Back to normal. :D
Wednesday, June 6, 2012

Tumblr Tip # 4

(BABALA: Ang sumusunod na post ay pawang tips lamang at walang basehan, ako mismo ay hindi ko pa to nagagawa. Marahil sa takdang panahon. JK )

Paano magpapansin? 

Simple lang. Sundin mo lang to. Mapapansin ka din ng TUMBLR CRUSH MO o nang DREAM FOLLOWER mo.

  1. Syempre nangunguna, FOLLOW. I follow mu sya. Syempre. Para mapansin ka nya. Pwera na lang syempre kung close kayo ni Tumblrbot at ipromote ka nya. :)
  2. Kapag hindi tumalab, try mu mag TA. Pakilala ka. Bait baitan at magpa cute ka sa kanya. :)
  3. Mag unfollow ka. Kapag hindi pa rin tumalab ang 1 at 2. Eto na mainam gawin. (PS: Manalig kang may unfollower tracker sya. Para sulit pag unfollow mo.)
  4. Mag follow ka ulit. Pag di tumalab ang pag unfollow. Ulitin mo lang. Gahasain mu ang follow at unfollow button nya. :)
  5. I tag mo sya sa mga banat at kilig posts mo
  6. I promote mo sya kahit ala syang sinasabi.
  7. Mag ANON ka (mabait version). Yung tipong crush mo kamo sya. Purihin mo sya kahit “Hi” lang post nya o kaya kalmahin mo sya, icomfort mo kapag may nang aaway.
  8. Magpakilala ka. Kapag napansin ka na bilang ANON. Magpkilala kana. Mejo may chance ka na para mapalapit sa iyong minimithi. (Kapag tumalab. Epektib pero pag hindi proceed to step 9)
  9. Mag ANON ka (masamang version). Magpaka hater ka. Awayin mo sya. Laitin mo. Murahin mo. (PS: Siguraduhin mo lang na anon button mapipindot mu kung hindi, sabog ang ketchup mo. Haha.) Tapos balik ka sa Step 7. (Icomfort mu sya, kungwari pinagtatanggol mu sya)
  10. I tag mo sya sa mga TTH posts mo. Desperado moves na to. I tag mo lang sya. Eto na ang kahuli-hulihan mong dapat gawin sa pagpapansin sa kanya.

Kapag matapos mong gawin lahat ng kagaguhan at kahihiyan na yan at hindi ka pa rin finallow o napansin man lang, mag-isip isip ka na. Lumubay ka na at wala kang mapapala jan. 

PS: Matapos mong mag-move on, humanap ka ulit nang bagong TARGET and proceed to Step 1. :)))

Tuesday, June 5, 2012

Tumblr Tip # 3

“Maglagay ng picture sa long post”

Kung gusto mong maraming magbasa nang post mo, sagarin mo na ang effort. Lagyan mo nang pictures yung post mo.

Ganito yan

  • Kung mahilig kang magkwento nang nangyayari sa maghapon mong buhay.Mas mainam kung kukuha ng pictures. Picture nung kumakain ka, papunta kang school, mga classmate mo o kahit naliligo ka kapag Thursday mo balak mag-post. :)
  • Kung mahilig kang magpost about sa isang tao, bagay, lugar o ano pa man. Mas mabuti kung sasamahan mo ng picture nung topic mo. Mas magkaka idea sila kung ano mababasa nila kapag nakita nila yung picture.
  • Kung magaling kang kumuha ng larawan. Kung hindi ka makakakuha sa internet ng picture nung topic mo, pwede at mas mainam kung sariling picture ang gagamitin mo. Mas magugustuhan ka nila lalo na kung magaling ka nang magsulat, magaling ka pang magpicture.

Pero syempre may limitasyon ang paglalagay ng picture sa long posts mo. Halimbawa,

  • kapag gumagawa ka ng fiction stories. Mahirap lagyan ng imahe. Mas mainam kung yung mga readers mismo ang bubuo ng imahe sa isip nila tungkol sa istorya mo.
  • kapag nagpopost ka tungkol sa bagay na walang anyo tulad ng tips na ito. Malabong malagyan mo ito ng picture lalo ng kung walang anyo yung topic mo.
Sunday, June 3, 2012

Tumblr Tip #2

“Iwasang tumingin sa Dash bago mag-post”

Bakit?

Ganito kasi yan, (1) kung mahilig kang mambara kagaya ko, baka ang maipost mo e yung pambabara sa isa mong follower. Yung tipong nag post sya ng

“Lahat tayo nilalang nang Diyos na magaganda”

tapos maiisipan mong mag-post ng

“Every rule there’s an exception” Asa ka namang kasali ka don. 

Kapag nabasa nya yon, kahit di mo intensyong makasakit, maari syang masaktan. Tapos kapag paulit-ulit mong ginawa yon, sure AWAY to.

(2) Maari kang maimpluwensyahan ng post niya na halos magaya mo na ang post niya. Wala ka mang intensyong manggaya, pasasaan bat lalabas din yung kamukhang word na nabasa mo. Mapagsasabihan ka pang gaya-gaya. Magtiwala ka sa sarili mong imahinasyon, wag mo iasa sa iba.

(3) Malilibang ka. Maaring mawala yung dapat mong ipopost dahil sa mga nabasa mo. Kungwari nakakita ka nang trending, tapos naki-reblog ka. After 36827445165 seconds, wala na. Wala na ang ipopost mo. Naibaon na sa limot. Di mo lam sisikat ka na pala sana sa post na yon.

Ngayon alam mo na kung bakit? :) 

Saturday, June 2, 2012

Tumblr Tip #1

Mag-ingat sa pagpopost ng English.

Huwag tangkain kung

  1. Ayaw mong mahirapan.
  2. Natatakot kang mamali sa grammar at spelling.
  3. Alam mong malilimitahan ka kapag English ang ginamit mo.
  4. Sa tingin mo mas maiintindihan ka ng followers mo pag Tagalog.
  5. Mahal mo ang sarili mong wika.

Gawin mo kung

  1. Kampante kang kaya mong magpost sa English.
  2. Hindi ka takot mahusgahan.
  3. Gusto mong pati taga ibang bansa makarelate sayo.
  4. Nais mong mahasa pa ang kakayahan mong mag-Ingles.
  5. Handa kang mawalan ng followers.