The.Rapist ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 18 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
 photo ce71daba-2af8-4ae1-ac82-81f3b1982cbd_zpsf64f01ad.jpg

 photo 3rd_zpsca2fe226.gif

Meet up dito, meet up doon, meet up na naman? Tara!

Sa panahon ng meet up iba’t-ibang blogger ang makakasalamuha mo

  1. Syempre nanjan ang organizer na todo-effort samantalang yung iba aattend na lang. Kawawa naman sila kasi pagod na nga nababadtrip pa nung mga KJ na blogger.
  2. Mga early bird. Nauna pa sa organizer. Di mo alam kung nagtanim ng bomba sa paligid kaya ang aga nya o sadyang malapit lang ang bahay nya.
  3. Mga pa-grand entrance. Kung kelan nasa kalagitnaan ng program, biglang darating tapos agaw eksena. Ayun, late na nga, namerwisyo pa.
  4. Mga KJ. Pumunta dun para lang magpakita sa kapwa blogger at tingnan yung ibang blogger, ayaw namang makigulo o maki-join man lang. May sariling mundo - mundo ng KJ.
  5. Mga sobrang active. Kapag nakita mo matatanong mo sa sarili mo, “Organizer ba to?”
  6. Mga photographer/paparazzi. May dalang camera at akala mo may photo shoot. Sa dami ng napicturan nya, sya wala halos picture. Saklap. 
  7. Syempre kung may photographer, may feeling photo shoot nya ang meet up. Lahat ng picture kasama. Gusto pala, di nagdala ng sariling camera o kaya photo booth. lol
  8. Biglang takas. Mga bigla na lang magpapaalam na aalis. Mga naki-picture lang o lumanghap ng amoy ng mga blogger. May lakad eka o kaya gagabihin kaya wala pa mang nangyayari, uuwi na. Gara.
  9. Ang mga famous. Na kapag dumating na, nagkakagulo na. Di naman talaga makikisali sa program. Gusto lang talagang magpakilig. Haha. Pero aminin, sila ang ipinunta ng marami. Oha.
  10. Syempre ang mga feeling famous. Madalas sila yung mga kasama nung tunay na famous at walang ibang ginawa kung hindi mag feeling, HARD.
  11. Feeling birthday sa attire. Di mo alam kung costume nya yon. lol
  12. At yung mga parang-walang-lang sa attire. Parang napabili lang ng bigas dumretso na ng meet up. O kaya mga takas sa school, naka uniform pa.
  13. Ms/Mr Friendship 2013. Lahat kinakausap. FC? Di naman daw. Mabait lang sya at gusto lang nya ng maraming friends.
  14. Snob. Kalahi ng feeling famous. Kala mo kung sinong papahabol at di mamansin. Sa Tumblr, close kayo. Sa MU, Hu u ka na. 
  15. Secretary. Lilista lahat ng URL na makita. Oha. Tapos i check pag-uwi. Sipaaaaaaaaaaaaaaaaag.

Eto masarap sa MU eh. Iba-ibang tao makikita mo at mas makikilala mo kung sino ba talaga yung blogger na nasa likod ng mga post na nila-like mo. ;)

Monday, May 20, 2013

Dear Crush,

Ikaw lang ang na-mimiss ko sa school. Tiis-tiis lang, lalandiin ulit kita sa pasukan.
Friday, May 17, 2013

#MedyoMalandi

  • Yung lahat na lang best friend nya at lahat na yon suki ng I LOVE YOU nya.
  • Kapag nag send sya ng i love you, pinapalitan lang yung pangalan tapos send ulit.
  • Naka unli ALL NET kasi may syota sa lahat ng network.
  • Ang post count, 100 posts. Yung inbox 10K messages. Anyare?
  • May tawagan sila ng lahat ng friends nya, kung hindi baby, babe, love, asawa, mommy/daddy. Luh?
  • Single sa Dash, sa inbox tatlo ang syota.
  • Magtetext na lang ng good night, may KISS pa, di naman sila.
  • Kapag nag-text o nag TA may <3 lagi.
  • Maharot magreply. “Ingat ha, kund hindi ako mag-iingat sayo” Yieehlandeh.
  • Kapag may nagpost ng tungkol sa malandi, kinakabahan sya.
  • Kung tumawa “HIHI”

Baka naman friendly lang. Hahahahahahaha. 

Thursday, May 16, 2013

Bakit ganon?

May mga followers ka na 

  • Hindi pinapansin ang posts mo sa Dash.
  • Mas lalong hindi magrereblog ng mula sayo.
  • Malabong mag-reply sa post.
  • At mas malabong mag-TA/Fan mail.

Di mo alam kung anong problema nila. Oo, di naman pwersahan ang pagla-like o pagkausap pero yung parang ang bitter lang nila sayo. Na wala ka naman sanang ginagawang masama sa kanila para iwasan ka nila at kung mayroon man, de sana nag-unfollow na lang sila.

Ano kayang trip nila? Sabi nila, “Baka naman silent readers”. Yung tipong hindi nagpaparamdam pero nagbabasa ng post mo. Pero para saan? Kung lagi mo lang ding binabasa bakit hindi mo pa i-like? 

Di mo alam sa mga ganitong tao kung anong gusto nila. Nag-iintay lang kaya na ikaw ang kumausap sa kanila o sadyang iniintay lang na mag-unfollow ka para makapag unfollow na rin sila. Montanga lang.

Maaalala ka lang nya kapag nakita na nya ang post mo o nabasa na ang text mo.

Ang sweet. ;))

Wednesday, May 15, 2013

Dear Dashboard,

Kung anong kinasigla mo nung may isyu, yun naman ang kinatamlay mo ngayon. Nakiki-trend ka lang din no?
Tuesday, May 14, 2013

Dear Blog post,

Buti ka pa like ni Crush, ako hindi. Sige magsama kayo! Huhu.

Huwag mo akong masabi-sabihan ng I MISS YOU lalo na’t ikaw ang dahilan kaya hindi tayo nagkakausap.

Malay ko ba?

  • Inuuto ka lang, naniwala ka naman.
  • Pinaglalaruan ka lang, nagseryoso ka naman.
  • Pinapakilig ka, na-inlove ka naman.

Pano mo ba malalaman kung may papatutunguhan ang isang relasyon o wala? O kung isa lang din pala yun sa mga relasyong sana di mo na lang naranasan? Kaylan ba masasabing SYA NA TALAGA? At kaylan masasabing TANGINA NYA, KAGAYA LANG PALA SYA NG IBA?

Siguro nasa huli talaga ang lahat. Magkakamali ka muna saka magsisisi. Pero ganon yon, hindi mo naman kasi malalaman kung hindi mo susubukan. Pano kung yun na pala, nag-inarte ka pa? Sayang diba?

Maging maingat. Di porket gwapo, yun na. Di porket mabait sa una, sya na talaga. At hindi porket may chance, makikipagrelasyon ka na. Walang masamang magkamali, wag lang paulit-ulit. Katangahan na yun.

Dear Girls,

Stop complaining that there's no good guys left. Hello, we are where you left us, IN THE FRIEND ZONE.
Expectation: Your most liked and reblogged blog.
Reality: Crush mo talaga yung blogger. Wala kang pake sa post nya, basta like ka lang ng like. Nagbabakasakaling mapansin ka nya at umaasang mag follow back sya.

Expectation: Your most liked and reblogged blog.

Reality: Crush mo talaga yung blogger. Wala kang pake sa post nya, basta like ka lang ng like. Nagbabakasakaling mapansin ka nya at umaasang mag follow back sya.

Saturday, May 11, 2013
Friday, May 10, 2013

Aminin mo, sa dami ng makakabasa ng post mo, minsan isa lang ang talaga ang gusto mong makabasa.

Hindi porket di kita kinakausap ibig sabihin ayaw ko sayo

  • Maaring umiiwas lang ako kasi nasasaktan na ako.
  • Maaring takot lang akong lubusang mahulog sayo.
  • O sadyang alam ko na hindi ka mapapasakin kahit anong gawin ko.

Thursday, May 9, 2013

PS: Iba pa rin talaga kapag ang atensyon ay galing kay Crush.

 
1 of 27
Next page