The.Rapist - AMBASSADOR OF GOODWILL - Coronation night I want... ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 19 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
Instagram


AMBASSADOR OF GOODWILL - Coronation night

I want to share something with you guys.This is the very reason why I left Tumblr for a while and yes, I’m back. Hahaha.

Sumali kasi ako sa Search for the next AOG. It’s one of the competitions in the Regional Mid Year Convention ng accountancy student in the whole region 3 which was held last Thursday sa Baguio. Siguro dahil konti ang population ng BSA sa school naman kaya ako ang inilaban. lol

So bago yan, may Primer/Pre pageant pa kasi so, ayun mejo mahaba-habang oras ang nawala sa akin. Una kasi, dapat kong isabay sa pag-aaral ko ang pageant tapos officer pa ako kaya marami rin akong iniintinding event. Saka first time ko rin kasi sumali sa ganyan, kasi naman yung katawan ko diba? Pang pageant ba kasi yan. lol

Naghanda naman ako. Sinubukang magpataba at magpamacho pero wala talaga. Haha. Pruweba ang mga larawan na yan na talagang di umepekto ang vitamins at gatas pati ang malakas na pagkain. Samahan pa ng gym. Yeah.

So bakit ko to sinasabi? Para sabihin na nagbalik na ako at magbblog na ulit? Para ipakita na payat talaga ako? O trip ko lang? lol

Ganito kasi yan, gusto kong maging inspirasyon sa iba. Seryoso yun. Marami kasi ang napipigilan ng mga bagay bagay sa paligid nila. Yung sasabihin ng ibang tao, yung mga iniisip nya sa sarili at yung kaba na baka matalo at masaktan lang. Yun mga ganon. Kaya di nila tinutuloy o ginagawa yung gusto nila.

Marami talaga kong kinaharap sa pageant na yan, tuwing kinukwento ko sa ibang tao, ramdam ko na naaawa sila. I suffered enough. Baka nga sobra pa. Simula sumali ako hanggang sa bago ako maging 1st runner up, puro sakit sa damdamin yun. Pero ni minsan di ko inisip na huminto. O tumigil. Sa kabila kasi nung mga nag-iisip na di ko kaya, nakita ko kung pano ako sinusuportahan nung mga barkada at classmate ko. Kahit na di nila mabuka sa bibig nila na gwapo ako at minsan sila pa nagsasabing payat ako, alam kong kakampi ko sila.

Mahirap talaga kapag maraming hadlang sa gusto mo. Pero di naman yon ang mahalaga dun, kung hindi yung sayo. Sa pageant na to, naging matatag ako. SOBRA. Halos wala na akong nararamdaman na hiya, kaba at takot lalo na kapag alam kong wala naman akong ginagawang masama. Nakakatuwa na alam kong kung hindi ko to tinuloy maraming bagay ang di ko naranasan. Mga di napatunayan at mga taong di nakilala.

Sobrang sarap sa pakiramdam nung mga nangyari. Bonus lang talaga yung pagkapanalo. Yung mga co-candidates ko, mga officers ng event, yung choreo, yung handler ko at mga kaibigan nya, yung partner ko at lahat ng mga nakilala ko, tapos yung mga natutunan ko saka yung experience mismo, yun talaga yung award eh. Yun talaga ang trophy ko.

I ended up 1st runner up. Sabi nga nila, ang 2nd ang kauna-unahang talo. Oo, I am very close in winning the title pero di ako nanghinayang. Kasi alam kong para talaga sakin tong binigay Nya eh. Kasi before coronation, sinabi ko sa Kanya, na ibigay nya sakin yung para sakin. Yung kaya ko at yung deseve ko. Tapos ayun, parehas pa kami ng partner ko na 1st runner up kaya sobrang blessing na yun.

Alam kong hindi ko na kaya mag national pa. Di rin naman pangganon ang katawan ko. Tanggap ko. Saka talagang affected na yung pag-aaral ko eh. Kaya ayun, dapat na talagang magbalik aral.

Masaya talaga ako na nangyari ito. One of the experiences in my life that definitely contributed in developing me as a person.

Saka sobrang sarap sa pakiramdam nung ganitong mga linya

"Kinapos lang talaga sa katawan, pero dapat tayo title eh"

"Rog, dapat sayo yun eh."

"Grabe yung sagot mo sa QnA. Solid!!"

"Kung macho ka lang, primer pa lang tapos na laban."

Grabe yung mga ganitong compliment. Talagang pakiramdam ko nag-title ako. Hahahahaha.

TANDAAN:

  1. Hindi ka dapat magpapigil sa mga kapintasan o kakulangan mo. Dapat gamitin mo yun as an advantage mo.
  2. Wag mong bilangin yung kontra. Isipin mo yung mga sumusuporta.
  3. Ang taong malakas ay hindi yung walang kahinaan. Sila yung taong naging matatag at lumaban para sa alam nyang tama.
  4. Winning is not just about getting the title. 
  5. You don’t need a title or crown to serve.
  6. Once you’ve accepted your flaws, no one can use them against you.
  7. MAGTIWALA KA SA KANYA. HE KNOWS BEST

:)

 

Special thanks to all the bloggers who supported me lalo na sa mga tumblr friends ko, kilala nyo na kung sino kayo. ;)

BACK TO REALITY. 

  1. akoposijoanna said: pup accountancy is still proud of you kuya! congrats. :)
  2. voicelessleng reblogged this from gwapongred and added:
    THIS INSPIRED ME. ^^