The.Rapist - ENE BE NEMEN YEN? ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 19 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
Instagram


ENE BE NEMEN YEN?

Masarap maging Pinoy. Nakaka proud. Maraming magaganda/gwapo, maraming magagaling/talented at yung katotohanan lang na ang ganda ng bansa mo, astig na.

Pero sa kabila non, nakakalungkot na maraming Pinoy ang biniyayaan ng MATITIGAS NA ULO. 

  • Yung basta na lang itatapon yung balat ng kendi kung saan. Bakit di na lang kinain pati lalagyan? Pwede naman kasing ibulsa muna tapos itapon kapag may basurahan na.
  • Yung dudura na lang basta. Napakalawak naman ng lababo mo, buong Pinas. lol Kung sobra laway mo, lunukin mo!
  • Yung mga naninigarilyo kahit sa public places. Tapos ipapasinghot sa mga HINDI naninigarilyo ang usok. Ayos ha? Hiyang-hiya naman kami.
  • Yung mga nagsisiga ng basura. Nagpabango ka pa bago lumabas ng bahay tapos paglabas mo, magkabila ang nagsisiga. Amoy-usok ka na, di ka pa man nakakalayo sa bahay nyo. Lintek. Pwede namang ibaon diba? O kaya mag siga kapag wala ng tao. Pucha.
  • Yung mga di sumusunod sa mga karatula. “Bawal magtapon”, “Bawal tumawid”, “Bawal umihi”, gagawin pa talaga. Makapang-asar lang. 
  • Yung mga nagpapaanod sa ilog ng basura. Hanep, di nakuntento sa pagsisiga. Ayun, pinaanod. Tapos magrereklamong madumi yung ilog, mabaho yung ilog o kaya walang malinis na tubig. Gaguhan?

Anomang ganda ng Pinas, mawawala rin yan kapag ganito ginawa. Mukha mo nga di ka lang maghilamos, haggard ka na. Ikaw pa kaya duraan, kalatan, pausukan o tapunan ng kung ano-ano. ENE BE NEMEN YEN? ;(

  1. katyloooove reblogged this from jymnlg
  2. jymnlg reblogged this from gwapongred
  3. gwapongred reblogged this from gwapongred and added:
    Masarap maging Pinoy. Nakaka proud. Maraming magaganda/gwapo, maraming magagaling/talented at yung katotohanan lang na...