The.Rapist - Marami-rami na ring tao ang nalululong sa Candy... ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 20 ~ 5th year Accountancy student ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
Instagram


Marami-rami na ring tao ang nalululong sa Candy Crush Saga. Ilang beses na ring binalita na pati mga artista ay naglalaro nito. Ngunit bukod sa mga level na talaga namang nakaka-excite laruin, mayrong aral sa buhay na dapat matutunan sa Candy Crush Saga:
Ang buhay ay makulay. Gaya ng bawat uri ng candy, may iba’t-ibang kulay ang buhay. Dapat mo lang maappreciate kung gaano kaganda ang mundo at hindi tumingin sa mga pangit na bagay sa paligid mo.
Kung swerte ka, swerte ka. May mga pagkakataon sa buhay at sa paglalaro mo na ramdam mong ang swerte mo. Yung isang galaw mo lang, nagtagumpay ka. O yung isang galaw na lang, nagawa mo pa. 
Lahat may limitasyon. Gaya ng limang buhay sa Candy Crush o sa isang minutong laro kapag may oras, may limitasyon ang buhay. Maaaring last mo na palang minuto yun. Maaring huling pagkakataon mo na yun, sinayang mo pa.
May karapatan kang magbago. Kung sablay man ang laro mo, bukas pwede kang bumawi at magbago. Parang sa buhay, lahat may karapatang itayo ang sarili nila mula sa bawat pagkadapa.
Mayroon talagang mayaman at mahirap. Kahit mayaman lang ang makakabili ng mga ipinagbebenta sa Candy Crush, hindi mo kaylangang tumigil dahil lang dun. Sa buhay man, mayroon talagang mayaman at mahirap, kung mayaman kang pinanganak, swerte ka. At kung mahirap ka, huwag kang pumayag na mamatay kang mahirap.
Kaylangan mo ng kaibigan sa buhay. Hindi ka makakalipat ng ibang stage kung wala kang kaibigan na magbibigay sayo ng ticket. Sa buhay man, kaylangan mo ng katulong at kadamay para makapagpatuloy sa buhay.
Dapat kang magsumikap. Kung gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan makaalis lang sa isang level. Hindi ppwedeng umasa ka na lang na pagbukas mo, level 100 ka na. Parang pag-aaral lang yan, dapat unti-untiin at dahan-dahanin.
Pwedeng mandaya kaso huwag. May paraan kung pano ka makapandadaya. Maaring abot kamay mo ang cheat engine pero kung gusto mo talagang lumaban ng patas, hindi mo gagawin.
Huwag kang matakot magkamali. Sa mga pagkakamali mo ikaw matututo. Minsan nga sa simpleng pagkakamali, yun pa pala ang magtatama sayo. Sa isang mali mong move, yun pala ang magpapanalo sayo. Tandaan mo, may planong mabuti sayo ang Diyos, tiwala lang.
Pero sa huli, dapat tandaan, ang buhay ay hindi isang laro. Hindi to gaya ng Candy Crush na pwede ka na lang tumigil o magpalit. Buhay mo yan at dapat mong ituloy, hindi man maganda ang nangyayari. 
PAALALA: Walang masamang maglaro, wag lang maadik. Parang sa tunay na buhay lang yan, may mga bagay tayong magugustuhan pero hindi natin dapat kaadikan.

Marami-rami na ring tao ang nalululong sa Candy Crush Saga. Ilang beses na ring binalita na pati mga artista ay naglalaro nito. Ngunit bukod sa mga level na talaga namang nakaka-excite laruin, mayrong aral sa buhay na dapat matutunan sa Candy Crush Saga:

  1. Ang buhay ay makulay. Gaya ng bawat uri ng candy, may iba’t-ibang kulay ang buhay. Dapat mo lang maappreciate kung gaano kaganda ang mundo at hindi tumingin sa mga pangit na bagay sa paligid mo.
  2. Kung swerte ka, swerte ka. May mga pagkakataon sa buhay at sa paglalaro mo na ramdam mong ang swerte mo. Yung isang galaw mo lang, nagtagumpay ka. O yung isang galaw na lang, nagawa mo pa. 
  3. Lahat may limitasyon. Gaya ng limang buhay sa Candy Crush o sa isang minutong laro kapag may oras, may limitasyon ang buhay. Maaaring last mo na palang minuto yun. Maaring huling pagkakataon mo na yun, sinayang mo pa.
  4. May karapatan kang magbago. Kung sablay man ang laro mo, bukas pwede kang bumawi at magbago. Parang sa buhay, lahat may karapatang itayo ang sarili nila mula sa bawat pagkadapa.
  5. Mayroon talagang mayaman at mahirap. Kahit mayaman lang ang makakabili ng mga ipinagbebenta sa Candy Crush, hindi mo kaylangang tumigil dahil lang dun. Sa buhay man, mayroon talagang mayaman at mahirap, kung mayaman kang pinanganak, swerte ka. At kung mahirap ka, huwag kang pumayag na mamatay kang mahirap.
  6. Kaylangan mo ng kaibigan sa buhay. Hindi ka makakalipat ng ibang stage kung wala kang kaibigan na magbibigay sayo ng ticket. Sa buhay man, kaylangan mo ng katulong at kadamay para makapagpatuloy sa buhay.
  7. Dapat kang magsumikap. Kung gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan makaalis lang sa isang level. Hindi ppwedeng umasa ka na lang na pagbukas mo, level 100 ka na. Parang pag-aaral lang yan, dapat unti-untiin at dahan-dahanin.
  8. Pwedeng mandaya kaso huwag. May paraan kung pano ka makapandadaya. Maaring abot kamay mo ang cheat engine pero kung gusto mo talagang lumaban ng patas, hindi mo gagawin.
  9. Huwag kang matakot magkamali. Sa mga pagkakamali mo ikaw matututo. Minsan nga sa simpleng pagkakamali, yun pa pala ang magtatama sayo. Sa isang mali mong move, yun pala ang magpapanalo sayo. Tandaan mo, may planong mabuti sayo ang Diyos, tiwala lang.
  10. Pero sa huli, dapat tandaan, ang buhay ay hindi isang laro. Hindi to gaya ng Candy Crush na pwede ka na lang tumigil o magpalit. Buhay mo yan at dapat mong ituloy, hindi man maganda ang nangyayari. 

PAALALA: Walang masamang maglaro, wag lang maadik. Parang sa tunay na buhay lang yan, may mga bagay tayong magugustuhan pero hindi natin dapat kaadikan.

  1. joiefernando reblogged this from gwapongred
  2. chxzl reblogged this from gwapongred
  3. euphoricblithe reblogged this from gwapongred
  4. avapjneelej reblogged this from gingerdine
  5. merianpola reblogged this from gwapongred
  6. gingerdine reblogged this from gwapongred
  7. 96cth reblogged this from gwapongred
  8. krizziaconcepcion reblogged this from gwapongred
  9. rheypunzel reblogged this from gwapongred
  10. zachapron reblogged this from gwapongred