The.Rapist - BYAHE NG BUHAY Ang buhay ay isang... ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 18 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
 photo ce71daba-2af8-4ae1-ac82-81f3b1982cbd_zpsf64f01ad.jpg

 photo 3rd_zpsca2fe226.gif
BYAHE NG BUHAY
Ang buhay ay isang mahabaaaaaaaaaang paglalakbay na ikaw mismo ang drayber - drayber ng sarili mong jeep.
Sa umpisa ng iyong byahe, mayroon ng mga taong nanjan agad para suportahan ka. Maaring turuan ka nila kung paano magdrayb o di kaya’y turuang paandarin ang sarili mong dyip.
Sa daan ng iyong paglalakbay, marami kang makakasalamuha. May mga taong makikita mo sa daan pero hindi mo makakasama. At syempre yung mga taong sasakay byahe mo at makikilala mo.
Kung tutuusin masaya na may mga taong dumating para samahan ka sa iyong paglalakbay. Turuan ka ng ilang mga aral o di kaya’y magbigay ng kanilang bahagi na siguradong makakatulong sa iyong byahe. Pero nakakalungkot isiping gaya ng isang tipikal na byahe ng dyip, yung mga taong mapapalapit sayo, sila yung mga taong uupo sa likod mo habang nagmamaneho ka, sila pa yung kalimitang unang bumababa. Yung mga taong naging sobrang napalapit sayo, saglit mo lang palang makakasama. Maaring iniwan ka nila dahil ayaw na nila o sadyang panahon na para lumayo at lisanin ka niya.
At nakakatuwang isipin na kung sino pa yung sasama sayo sa buong byahe mo, sila pa yung mga pasaherong sasakay sa dulo ng jeep mo, malapit sa tambutso. Mga taong alam mong nadyan, laging nandiyan at hindi ka pababayaan, sila pa yung hindi mo ka-close.
Ang gulo ng buhay no? Bakit kaylangang nauuna pang mawala yung mga taong sobra mong pinapahalagahan at malapit sa iyong puso? Siguro patunay lang ito na habang lalo mong inilalapit ang isang tao sa buhay mo, binibigyan mo lang sila ng karapatang saktan ka ng todo. At patunay rin na kung sino pa yung hindi nating masyadong binibigyan ng importansya, sila pa yung handa kang samahan at hindi iwan. 

  1. vague-n-abstruse reblogged this from gwapongred
  2. gwapongred posted this