The.Rapist - Math-echniques ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 19 ~ 5th year Accountancy student ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
Instagram


Math-echniques

Nangungunang reklamo ang Math sa lahat ng subject. Sabi kasi nila, mahirap, nakakalito, magulo at kaylangan pang mag-isip ng malalim. Simula sa basic math na addition, subtraction, multiplication at division, naging fraction, decimal, may square root, nagka x at y pa hanggang sa umabot sa sine, cosine at ano pa man.

Meryenda, Agahan, Tanghalian, Hapunan - yan lang ang ata ang kakatuwang MATH. 

Pero dapat mo bang patuloy na katakutan ang MATH? Dapat mo ba tong laging iwasan? Hanggang kaylan? E kada araw ng buhay mo, may MATH kang masasagupa.

Ito ang mga simpleng hakbang para matutunan mong mahalin ang kaaway ng mga estudyante:

1. Imagine. Sabi nila kapag lagi mong iniisip, masasanay ka. Bago ka matulog, tinuruan kang magbilang ng mga tupa. Kung lagi kang magpapapraktis ng simpleng addition o subtraction bago ka matulog, habang nasa byahe, tuwing nasa banyo o kahit habang kumakain, mahahasa ang galing mo sa math.

        Halimbawa: Kapag pina-subtract sayo ang 136 - 79.

        Kapag bawal gumamit ng ballpen at papel, mahihirapan kang isipin kahit subtraction lang yan. Ganito ang gawin mo, 

  • Dahil 79 yung ile-less mo, imaginin mo na isa lang ang kulang nya para maging 80.
  • Tapos isipin mo kung ilan ang kulang nya para maging 100. So 100-80, de 20. Kapag ni-add mo, 21 na sya kasama yung una mong dinagdag na isa.
  • Tapos 136-100, madali na lang. So 36 add mo yung 21, 57 ang lalabas.

      Ganyan lang. Praktis. Kung hindi mo kayang kunin sa mahirap na paraan, kunin mo sa mas mababaw na approach.

2. Practice. Gaya nung una practice lang. Ito ang common way na ginagawa ko para makapag pracatice

  • Adjust mo yung orasan mo. Kungwari advance ng 18 minutes.
  • Tuwing titingin ka sa orasan, kung ano mang oras ang makita mo, kunwari 11:46, ileless mo lang yung 18 diba para makuha yung tamang oras? Sa ganoong paraan bibilis yung pag-iisip mo. 
  • Gagamitin mo lang yung #1 tip para mas madali. Dahil, 18, dapat 2 para magsaradong 20, tapos 46-20=26. Tapos add 2 = 28. 11:28 ang oras mo.

3. Memorize. Mas madaling memoryahin ang words kaysa numbers. Pwede ka kasing gumawa ng long words kapag pinagsama-sama mo yung short words. Unlike sa numbers, wala kang choice kung hindi alamin kung paano sila magkakasunod lalo na’t wala namang pattern. Ganito ang ginagawa ko para mas madaling mag memorize ng numbers:

  • Imagine the position ng numbers sa keyboard mo o kaya sa cellphone mo. Diba madalas 3 by 3 sila?
  • Kung magmemememorize ka ng 514789632, mukhang mahirap diba?
  • Pero kapag inimagine mo kung paano yung takbo nya sa keyboard mo, simple lang. Start ka sa 5 tapos 1 then paikot so madadaanan mo yung 4 tas 7 then 8 at 9 pababa sa 6 tapos 3 and last 2. Madali lang diba? (Mas madali mo ng matatandaan yung number ni Crush kapag dinikta nya sayo at wala kang masulatan :)
  • Kapag naman dates lalo na sa history subject mo. Tapos kaylangan mong tandaan ang June 24 1571 saka August 27, 1575 at November 30, 1578
  • Una gawin mo munang number yung dates, so 6/24/71 at 8/27/75, 11/30/78.
  • Next hanap ka ng pattern. Basta dapat alam mo yung 1st date. From 6/24/71, 2/3/4 ang pattern para maging 8/27/75.
  • From 8/27/75 naman, 3/3/3 para maging 11/30/78.
  • Gagamit ka lang ng addition or subtraction para makagawa ng pattern. Mas madali mong masasagutan yun saka mas matagal mananatili sa utak mo.

Kapag nagawa mo yan, darating ang panahon na mamahalin mo ang math. Masarap sa pakiramdam kapag may pina-add sayo ng biglaan o subtract, hindi tawa ang isasagot mo kung hindi tamang sagot.

Preparation din ito para sa Math quiz and exam pati na rin sa board exam. Hindi mo na kaylangan pang pindutin sa calculator o isulat sa papel. Makakatipid ka ng oras at mas marami kang masasagutan. :)

STUDY HARD! 

  1. supermicrosd reblogged this from ynnad527
  2. iblameyoumalik reblogged this from tumblraccountants
  3. letsmakeitawesome-r reblogged this from xxblackandwhitexxangelapamela
  4. mknylanan reblogged this from gwapongred
  5. xxblackandwhitexxangelapamela reblogged this from gwapongred
  6. gwapongred reblogged this from gwapongred and added:
    Nangungunang reklamo ang Math sa lahat ng subject. Sabi kasi nila, mahirap, nakakalito, magulo at kaylangan pang...
  7. ynnad527 reblogged this from tumblraccountants
  8. pkgaudiano reblogged this from gwapongred
  9. beckymonster reblogged this from imsolhexyyy
  10. imsolhexyyy reblogged this from gwapongred
  11. thebipolarleo reblogged this from tumblraccountants
  12. tomatomatoako reblogged this from tumblraccountants
  13. hancruz26 reblogged this from tumblraccountants
  14. tumblraccountants reblogged this from gwapongred
  15. titenpot said: hindi nakakatakot ang math. In fact, takot ako sa math dati, pero natutunan ko din mahalin ang MATH nung nag take ako ng Eng’g. hahaha.. tlgang mahalin?