The.Rapist - S-O-R-R-Y ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 18 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
 photo ce71daba-2af8-4ae1-ac82-81f3b1982cbd_zpsf64f01ad.jpg

 photo 2_zps2fe72696.gif

S-O-R-R-Y

Ano ba talagang ibig sabihin ng sorry? Bakit ka ba nagsasabi nang sorry? Kaylan ka ba dapat mag sorry? 

Isa sa pinakamahirap para sa ma-pride na tao ang magsorry. Yung tipong ibaba nila yung sarili nila para sa isang tao o sa isang relasyon. Anong mahirap sa SORRY? Siguro kung paguusapan yung kapalit ng pagsasabi mo nang sorry, siguro mas magiging madali. Kakayanin mo bang pabayaang masira ang isang relasyon nang dahil lang sa hindi mo pagsasabi nang sorry?

Ano ba talagang ibig sabihin nang sorry? 

Paumanhin. Oo paumanhin, paumanhin sa bagay na nagawa mo. Magkakamukha lang ang kahulugan ng sorry, maging matinding sorry man ito o simpleng sorry lang. Kahit anong sorry pa yan, isa lang ang gusto niyan - ang mapatawad. Hindi mahalaga kung matindi o simpleng sorry lang, ang mahalaga totoo. 

Bakit ka ba nagsasabi nang sorry? 

Kasi mahal mo yung tao o kung hindi man, mahalaga sya at ayaw mong mawala sya o kung hindi pa rin siguro nasaktan mo sya nang hindi mo sinasadya - kaya ka nagsosorry.  May mga bagay kasi tayong nagagawa na masasabi mo sa sarili mong “Bat ko ba ginawa yon, ang tanga ko!”. Sabi nga nasa huli ang pagsisisi, kaya ka nagsosorry.

Kaylan ka ba dapat mag-sorry?

Mag sorry ka kapag

  • Alam mong kasalanan mo.
  • Alam mong wala kang kasalanan.
  • Nakasakit ka nang hindi mo sinasadya.

Sorry? Parang pera yan.

Aanhin mo ang sobrang daming pera kung peke naman? Hindi ba mas masarap makatanggap ng PISO basta totoo?

  1. lonelyhuman reblogged this from gwapongred and added:
    re
  2. medyopumapag-ibig reblogged this from gwapongred
  3. gwapongred reblogged this from gwapongred and added:
    Ano ba talagang ibig sabihin ng sorry?Bakit ka ba nagsasabi nang sorry? Kaylan ka ba dapat mag sorry? Isa sa...
  4. iaintnogoodgirl reblogged this from little-miss-cpa
  5. little-miss-cpa reblogged this from gwapongred
  6. gwapongred posted this