The.Rapist - Wag kang bitter. ^ Scroll to Top ^ Scroll to Top
The.Rapist
RAPIST NG TUMBLR
Rogienel Reyes ~ 18 ~ BSA4 ~ BU ~ INC ~ DOTA ~ BUL ~ PH
 photo ce71daba-2af8-4ae1-ac82-81f3b1982cbd_zpsf64f01ad.jpg

 photo 2_zps2fe72696.gif

Wag kang bitter.

Normal ang maasar, lalo na sa mga taong talagang nakakasar. Yung mga taong masarap ihampas sa semento sa kayabangan. O yung mga may ginagawang kabalbalan tapos napeperwisyo ka na. Pero aminin mo man o hindi, minsan naasar ka sa mga taong walang namang talagang ginagawa sayo.

Sila yung mga taong hindi sinasadyang makaasar pero dala ng pagkakataon at sitwasyon, nakakaasar na rin sila. Haha. Isa na jan ang BAGONG KARELASYON ng ex mo. May kung anong nagtutulak sayo para kaasaran ang taong ito na wala namang ginawa yun. Yung tipong ampait pait mo kapag nakikita mo sya kahit di ka naman inaano. Tapos ngingitian ka? Ay letse, sarap upakan. 

Minsan pa nga, tuwing makikita mo sya, pinapaliguan mo sya. Hindi ng tubig kundi ng panlalait. Haha. Lahat na rin ng mura nasasabi mo tapos sya walang kaalam-alam na halos ipakulam mo sya. :))

Kapag nag-uusap pa nga kayo ng mga kaibigan mo, lagi mong sinasabi, “Kaypangit naman nung pinalit sakin” “Sus walang taste!” “Tao ba yan? Bat parang hindi?” at iba pa. Akala mo kung sinong nuno sa punso ang dinedescribe mo. HAHA. Nakakatawa diba? (Guilty) 

Nakatatawa di ba? Pero alam mo kung ano mas nakakatawa? Yung katotohanan na ang pumili sa kanya e yung mismong taong pumili rin sayo dati. HAHAHAHA. Kung sa tingin mo e walang taste ang EX mo, malamang nung pinili ka pa lang e wala na rin syang ka taste taste. :)

BITTER ka lang e. Ang dapat mo lang gawin e, tanggapin ang sitwasyon. Na wala na sya. Ituon mo ang sarili mo sa pag momove-on at hindi sa panlalait sa kanya. Tandaan mo: Kapag nilalait mo ang bago nyang nagustuhan, mas malala pa ang balik sayo nun. Kaya ka nga pinalitan e, kasi mas higit sayo un. HAHAHAHA.


BOOOM! 

  1. imdcoolestnerd reblogged this from gwapongred
  2. gwapongred posted this